Tapos na ang Semana Santa, hindi ang penitensiya
- BULGAR

- Apr 6
- 1 min read
by Info @Editorial | April 6, 2026

Tapos na ang Semana Santa—tapos na rin sana ang sakripisyo. Pero sa realidad ng maraming Pilipino, tuloy pa rin ang “penitensiya” dahil sa sunud-sunod na oil price hike.
Habang nagdarasal at nag-aayuno ang mga tao noong nakaraang linggo, tahimik namang sumisipa ang presyo ng langis. Pagbalik sa normal na buhay, posible ring bumungad ang mas mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Ibig sabihin, dagdag na naman sa hirap ng ordinaryong mamamayan.
Hindi na bago ang ganitong sitwasyon. Kada pagmahal ng langis, damay lahat—tsuper, manggagawa, negosyante, at lalo na ang mga pamilyang sakto lang ang kinikita. Ang problema, parang wala nang malinaw na solusyon kundi tiisin na lang.
Oo, may dahilan sa pandaigdigang merkado. Pero hindi sapat na iyon lang ang paliwanag. Kailangan ng konkretong aksyon para maibsan ang epekto—hindi puro paliwanag habang ang tao ang patuloy na nagsasakripisyo.
Kung may dapat matapos kasabay ng Semana Santa, iyon ay ang paulit-ulit na pagpapasan ng mamamayan sa krisis.



Comments