top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Taong singko, mas uunlad sa negosyo o pag-aasawa kaysa sa propesyon

BULGAR
Nov 10, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| November 10, 2022

Dear Maestro,


Tapos ako ng kursong BS Education, pero hindi pa ako nakakapasa sa board exam kahit nakakadalawang take na ako. Balak kong mag-exam ulit, kaya naisipan kong kumonsulta sa inyo.


Ano’ng taon ako dapat mag-exam para makapasa at kailan ako magkakaroon ng regular at magandang trabaho? Sa ikatlong pagkuha ko ng board exam, papasa na ba ako? Maaari rin ba akong yumaman at sa paanong paraan? Tulad ng sabi n’yo, ang mga Taong Singko ay yumayaman, at January 5, 1991 ang birthday ko.


Umaasa,

Sarah ng San Isidro, Calauan, Laguna


Dear Sarah,


Ang birth date mong 5, sa destiny number na 8 (1+5+1991=1997/ 19+97=116/ 11+6=17/1+7=8) at zodiac sign na Capricorn ang nagsasabing, mahihirapan kang makapasa sa teacher’s board exam at hindi sa aspetong proesyon ka yayaman kundi sa tatlong bagay, at ito ay ang mga sumusnod:


Una, mag-apply ka sa abroad dahil ayon sa iyong Travel Calendar, sa taong 2023, paborable sa kapalaran mo ang pangingibang-bansa.


Ang pangalawa namang paraan para yumaman ka ay ang pag-aasawa. Sapagkat ang mga taong isinilang sa mga petsang 5, 14 at 23 ay kadalasang yumayaman sa pag-aasawa, partikular ang pag-aasawa ng mayaman. Sinasabi rin na sa sandaling nag-asawa ang mga taong may birth date na 5, 14 at 23, sa mga panahong ‘yun, lalo na kung ang mapapangasawa nila ay may birth date na 5,14, 23, 8, 17 at 26, sila ay kusang uunlad hanggang sa tuluyang yumaman nang yumaman.


Samantala, ang ikatlong nagpapayaman sa mga Taong Singko tulad mo ay ang pagnenegosyo na may kaugnayan sa palay, bigas, grocery, tindahan, mga alahas o kalakal na nakukuha sa ilalim ng lupa at iba pang kauri nito. Ang pagmi-middleman o distributor at trading ay nagpapayaman din sa kanila. Sa sandaling nagnegosyo ka, tiyak na ikaw ay tuloy-tuloy na yayaman sa tulong ng lalaking may birth date na 5, 14, 23, 8, 17 at 26, at ang malaking pagyamang nabanggit ay inaasahang magaganap sa taong 2040 at sa edad mong 49 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page