top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Taong sais, kailangang magkaroon ng career para ‘di sunud-sunuran sa mapapangasawa

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 6, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| November 6, 2021



Dear Maestro


Isinilang ako noong September 15, 1982. Nais kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng birth date kong 15 o 6 at destiny number kong 8? Ako rin ba ay may pagkakataong yumaman, at kung yayaman ako, kailan ito magaganap?


Umaasa,


Bhea ng Agdao, Malasiqui, Pangasinan

Dear Bhea,


Ganito ang kahulugan ng birth date mong 15 o 6 (ang 15 ay 1+5=6) at destiny number mong 8 (9+15+1982=2006/ 20+06=26/ 2+6=8). Sinasabing ang mga Taong Sais (6) ay nakakatapos ng pag-aaral at nagiging propesyunal. Sa trabaho ay halos ganundin, basta’t itinutok nila ang kanilang atensiyon sa isang partikular na career, tiyak na sila ay sumisikat, umuunlad at nagiging maligaya sa naturang larangan.


Subalit kapag ang isang Taong Sais ay hindi nakatapos ng kanyang propesyon, ang kalimitang nangyayari ay nagiging “plain house wife” sila habambuhay – walang career at sunud-sunuran na lang sa napangasawa. Minsan naman, ang mga Taong Sais ay tumatandang dalaga, kaya naman hindi nila nararating ang rurok ng tunay na sarap at ligaya.


Subalit ang mas madalas mangyari, kapag nag-asawa ang Taong Sais, doon naman sila nagsisimulang umunlad at lumigaya, higit lalo kung ang mapapangasawa niya ay isinilang sa zodiac sign na Taurus o Libra.


Kaya naman para sa mga Taong Sais o silang mga isinilang sa petsang 6, 15 at 24, sikapin n’yong makatapos ng pag-aaral at makapag-establish ng career.


Dahil sa sandaling nagawa n’yo ‘yan, sa bandang huli ay papasyal-pasyal na lang kayo sa ibang bansa o palakad-lakad na lang kayo sa inyong romantiko at maraming mga bulaklak ng hardin, at very satisfied sa buhay at napakayaman.


Samantala, ang numerong 8 naman ay yumayaman sa panahong siya ay nakaranas ng matinding mga pagsubok at paghihirap. Gayunman, hindi lang sila basta yumayaman, tulad ng madalas nating sabihin, nakakabili rin sila ng mga ari-arian at nakagpapatayo ng matataas na building o bahay na yari sa bato.


Kaya, Bhea, alinman sa dalawang numero — sais o otso — ang manaig sa iyong buhay at umiral sa iyong kapalaran, tiyak na ang magaganap sa taong 2024 sa edad mong 42 pataas dahil mararamdaman mo na ang unti-unting pag-unlad hanggang sa tuloy-tuloy ka nang yumaman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page