Taong obese na nagpositibo sa COVID-19, mas matindi ang sintomas
- BULGAR

- Jul 17, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh - | July 17, 2020

Ayon sa ilang doktor, maaaring mas malala ang sintomas ng COVID-19 sa mga may obesity o labis na katabaan.
Ibinahagi ni Mia Fojas, isang endocrinologist na maaaring mas mahirap ang pagdaloy ng hangin sa mga taong nakararanas ng obesity kung sila ay tatamaan ng COVID-19.
Maaari ring makaapekto sa COVID-19 patient kung may obesity-related illness tulad ng obstructive sleep apnea o asthma.
Ibinahagi pa ni Fojas, “mas matindi ang sakit ng COVID-19 sa kanila dahil iniisip natin kung may problema sa baga, may COVID-19, pneumonia mas mahirag ang pag-take ng oxygen sa katawan.”
Mahirap umano pagalingin ang isang COVID-19 patient na obese. Mas malaki ang chance na mas malala ang sintomas na nararamdaman ng COVID-19 patients kung ito ay nakararanas din ng chronic condition tulad ng hypertension o diabetes.
Kaya naman payo ng doktor, ugaliing mag-ehersisyo at mag-diyeta sa loob ng tahanan.





Comments