top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Taong kuwatro, yayaman sa biglang suwerte

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 1, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| February 1, 2022



Dear Maestro,


Nais kong malaman ang aking kapalaran, tulad ng suwerteng numero, araw, petsa at buwan.


Mula nang ako ay bata at hanggang makapag-asawa, mahirap pa rin kami. Walang ibang trabaho ang mister ko kundi ang pagiging construction worker at minsan ay may gawa, pero mas madalas na bakante siya at nasa bahay lang.


May pag-asa pa ba kaming makaahon sa kahirapan o habambuhay na lang kaming ganito?


Kaya parang awa n’yo na, Maestro, kayo lang ang makatutulong sa amin, kaya sana ay maibigay mo ang suwerteng numero na mag-aahon sa aking pamilya sa kahirapan.


December 13, 1983 ang birthday ko.


Umaasa,

Mila ng Calumpang, Marikina City

Dear Mila,


Kung walang regular na trabaho ang mister mo at wala ka ring sariling hanapbuhay, paano nga kayo makakaahon niyan sa kahirapan?


Gayunman, dahil ang numerong 13 o 4 (ang 113 ay 1+3=4) ay sadyang mahiwaga, na may keyword na “biglang suwerte” sa mga hindi inaasahang sandali ng kanilang buhay, maaaring mangyari sa iyo ang nabanggit na biglaang pagdating ng napakagandang kapalaran.


Ang dapat lamang, tulad ng madalas nating sabihin sa mga Taong Kuwatro (4), kailangang makasumpong kayo ng kapahingahan ng isip o relaxation na tinatawag at masusumpungan ito sa pagsali sa mga religious activities ng anumang relihiyon na iyong kinaaaniban.


Puwede rin namang magsagawa ka ng sarili mong ritwal o pagsamba o meditasyon. Ang mahalaga ay may sandali sa iyong buhay na nag-iisa ka, tahimik at malalim na nagmumuni-muni o nakapagninilay-nilay. Sa ganu’ng paraan, ‘pag alam mong nasa iyo, kahit na sandali o saglit lang ang presensiya ni Lord o kalikasan o ang presensiya ng katahimikan, lalakas ang sinag ng iyong awra na siyang sasagap at hihigop ng magagandang kapalaran.


Pangalawa, dapat ding palagi kang magsuot ng mapalad mong kulay na pula, berde at dilaw, lalo na sa mga petsang ikaw ay may napakalakas na enerhiya tulad ng mga petsang 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22, 31, 7, 16, 25, 2, 11, 20, at 29, lalo na kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa mga araw ng Linggo at Lunes.


Suwerte ka rin sa mga petsang 3-6-9, lalo na kung ito ay natapat sa araw ng Martes, Huwebes at Biyernes, kung saan sa nasabing mga petsa at araw, isuot mo ang kulay na pula.



Kusa namang iigting ang mabuting kapalaran mula sa ika-19 Marso hanggang ika-28 ng Abril, mula sa ika-18 ng Hulyo hanggang sa ika-28 ng Agosto, at isang buwan bago sumapit ang iyong kaarawan, kusa ka ring makasusumpong ng suwerte at magandang kapalaran.


Mapalad ka naman sa mga kaibigan at kasama sa bahay na may zodiac sign na Leo, Aries, Gemini at kapwa mo Sagittarius.


Habang, ayon sa Decadens ng Kapalaran, kapag sinunod mo ang mga simpleng rekomendasyon sa itaas, tiyak ang magaganap sa taong 2023, sa buwan ng Hulyo hanggang Agosto, sa edad mong bago tumuntong ng 40— may malaki at biglaang suwerte na darating sa iyong karanasan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page