top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Tanod na rumesponde sa gulo, dedbol sa saksak

Writer: BULGAR
BULGAR
1 day ago
1 min read

ni Janice Baricuatro @News | October 19, 2026



Tanod na rumesponde sa gulo, dedbol sa saksak


Patay ang isang barangay tanod matapos saksakin sa dibdib ng isa sa tatlong umano’y lasing na lalaki habang rumeresponde sa kaguluhan sa Coastal Road, Brgy. Talaba 3, Bacoor City, Cavite, kamakalawa ng gabi.


Kinilala ang biktima sa alyas Noel, isang tanod sa lugar. Naaresto naman ang tatlong suspek na kinilalang sina alyas Chris, John at Drew, pawang residente rin ng nasabing barangay.


Batay sa ulat, rumesponde si Noel sa kaguluhan sa isang birthday party alas-12 ng hatinggabi. Nang lapitan niya ang tatlong lalaking walang pang-itaas at may nakatakip na T-shirt sa mukha, bigla umano siyang sinaksak sa dibdib ng isa sa mga ito.


Nagtangka pang tumakas at manlaban ang mga suspek sa mga humabol na tanod at pulis bago sila tuluyang naaresto.


Nakumpiska sa mga suspek ang 0.33 gramo ng hinihinalang shabu at 2.09 gramo ng hinihinalang marijuana.


Isinugod pa sa ospital si Noel ngunit hindi na nailigtas dahil sa tinamong malalim na sugat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page