Tanod, kulong sa pang-aabuso sa menor-de-edad

ni Maeng Santos @News | November 1, 2026

Photo: File
Swak sa selda ang 36-anyos na barangay tanod na akusado sa pang-aabuso sa isang menor-de-edad nang maaresto sa manhunt operation sa Malabon City.
Sa ulat ng tanggapan ni NPD Director P/BGen. Benliner Capili, ala-1:30 ng hapon nang maaresto ang akusado ng tumutugis na mga tauhan ni Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission sa Brgy. Dampalit.
Nakatala ang akusado bilang No. 6 Top Most Wanted Person sa Malabon CPS, kasunod ng inilabas na warrant of arrest ng Regional Trial Court, Branch 289, Malabon City para sa paglabag sa Section 5(b) ng R.A 7610, o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
May inirekomenda namang piyansa ang korte na P200K para sa pansamantalang paglaya ng akusado.





Comments