'Pag 'di bumalik mula France... Loren at Leandro, uuwing nakaposas — Boying
- BULGAR

- 6 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | August 8, 2026

Photo: Leandro at Loren Legarda / File
Pinatutsadahan ni Ombudsman Jesus Crispin "Boying" Remulla ang mag-inang sina Sen. Loren Legarda at Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na napabalitang umalis ng bansa.
Batay ito sa naging kumpirmasyon ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag nitong Biyernes, Agosto 7, na nakalipad paalis ng bansa ang mag-ina noong Linggo, Agosto 2.
Batay sa impormasyon mula sa Bureau of Immigration (BI), positibo umano ang naging pag-alis ng dalawa patungong Hong Kong, ngunit France umano ang pinal na destinasyon ng mag-ina.
“Magkahiwalay. Si Leandro Leviste, umalis noong August 2 papuntang Hong Kong. Si Senator naman po, umalis noong August 2 rin. Magkaiba po na flight via Hong Kong, pero ang final destination is France,” ani Matibag.
Sinabi naman ni Remulla na tuluy-tuloy ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa mga hinawakang eksklusibong kontrata ng Solar Philippines Power Project Holdings Inc. (SPPHI) na itinayo ni Leviste noong 2013.
Diin ni Remulla, naniniwala siyang hindi tatakasan ng mag-ina ang ikinakasa nilang preliminary investigation laban sa kanila.
“‘Yun ba tatakasan talaga nila? I don’t think tatakas sila. Babalik ‘yun. Naniniwala kami, babalik,” pagtitiyak ni Remulla.
Pahaging naman ni Remulla, baka gustuhing umuwi umano nang nakaposas ng mag-ina sakaling mapagdesisyunan ng mga ito na huwag nang bumalik ng Pilipinas.
“Baka gusto nilang umuwi nang nakaposas kapag hindi sila bumalik,” pagtatapos nito.





Comments