top of page
Pokwang.jpg

Tanod, isinuksok sa baywang ang baril, pumutok, utas

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 8
1 min read

ni Jeff Tumbado @News | August 8, 2026



Tanod pumutok ang baril - Circulated photo

Photo: FB / Circulated



Todas ang 59-anyos na tanod matapos umanong pumutok ang kanyang baril habang nakikipag-inuman sa kanyang pamangkin sa Brgy. Libertad, Dimataling, Zamboanga del Sur, nitong Huwebes.


Ayon kay Police Capt. Derf Jay Maquinta, alas-8:20 ng gabi, nagpaputok muna umano ng isang beses sa ere ang biktima bago isinuksok ang kalibre .45 na pistola sa kanyang baywang.


Habang inaayos umano niya ang pagkakalagay ng baril, bigla itong pumutok at tinamaan siya sa kaliwang hita.


Isinugod sa isang klinika ang tanod ngunit idineklara siyang dead-on-arrival.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page