Tanod, 3 pa timbog sa drug den

ni Maeng Santos @News | October 27, 2026

Photo: File
Kulong ang apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang barangay tanod matapos maaktuhan sa loob ng isang bahay na ginagawa umanong drug den sa Malabon City.
Ikinasa ng PDEA RO NCR Northern District Office, PDEA Special Enforcement Service at SDEU ng Malabon City Police Station ang buy-bust laban sa 54-anyos na si alyas Bibet.
Hindi na nakapalag si “Bibet” nang dambahin ng mga operatiba matapos bentahan ng shabu ang isang operatiba ng PDEA na nagpanggap na buyer alas-4:02 ng hapon sa kanyang bahay sa Brgy. Potrero.
Dinakip din sina alyas Cris, 54, construction worker; Randy, 53, driver at ang tanod na si Dionicio matapos maaktuhang sumisinghot umano ng shabu sa loob ng bahay ni Bibet.
Nakuha sa mga suspek ang 18 plastic sachets na naglalaman ng nasa 18 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P122,400, coin purse, buy-bust money at drug paraphernalia.





Comments