top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tanggal-lisensiya sa doktor na magtuturok ng illegal COVID-19 vaccine

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 2, 2021
  • 1 min read

Updated: Jan 8, 2021

@Editorial | January 2, 2021



Bago ang lahat, isang Manigong Bagong Taon sa lahat!


Simulan natin ang 2021 nang positibo at puno ng pag-asa. Tayo’y nasa taon na kailangang bumawi at mas lalong lumaban.


Anuman ang dumating palagi nating isipin na kakayanin basta sama-sama.


Samantala, naitawid man natin ang 2020, nariyan pa rin ang banta ng pandemya na patuloy nating nilalabanan at nagpapasalamat tayo dahil sa wakas, unti-unti nang naglalabasan ang mga bakuna na puwede nating maging panangga.


Bagama’t hindi pa rin maiwasan ang mga kontrobersiya.


Tulad ng isyu ngayon kung saan ilang alagad ng batas, empleyado ng gobyerno at pulitiko ang nagpabakuna sa kabila nang wala pang inaaprubahang COVID-19 vaccine sa bansa.


Kunwari ay pupunta sa hotel para magkape, ‘yun pala magpapa—COVID-19 vaccine na.


Kaugnay nito, nagbabala ang pamunuan ng Department of Health na maaaring matanggalan ng lisensiya ang mga doktor na magbabakuna ng COVID-19 shots na hindi pa aprubado ng gobyerno.


Sa joint statement ng Department of Health at Food and Drugs Administration, iimbestigahan ang umano’y ilegal na pagtuturok ng mga hindi awtorisadong bakuna, lalo na ang mga doktor at medical professionals na nagbibigay nito.


Sa totoo lang, ang ganitong gawain ay makapagdudulot lang ng kalituhan at gulo.


Ano’ng silbi ng mga plano at panuntunan sa pagbabakuna kung wala pa man ay hindi na sinusunod?


Kung mismong mga taga-gobyerno ay hindi nagkakaintindihan at hindi inirerespeto ang trabaho ng isa’t isa, ano ang aasahan ng publiko?


Habang maaga pa, dapat na itong linawin, at kung may mga dapat managot ay tukuyin na nang malaman ng lahat kung ano ba talaga ang silbi ng batas at ng proseso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page