top of page
Search
  • BULGAR

Tamang petsa at araw kung kailan dapat gamitin ang lucky color

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| October 18, 2021


Dear Maestro,


Ano ang aking suwerteng kulay na dapat isuot sa pag-a-apply sa trabaho? Bago pa kasi magka-COVID-19 ay hindi pa rin ako nakakapasok sa trabaho. Muntik na akong matanggap noon, pero contractual kaya hindi ko pinasukan. Ang gusto ko kasi ay ‘yung trabaho sa totoong kumpanya para may possibility akong ma-regular at umasenso.


Makakatagpo ba ako ng angkop trabaho aking sa kurso na accounting at may pag-asa bang maging regular employee ako sa isang magandang kumpanya? October 15, 1998 ang birthday ko.


Umaasa,

Madel ng Asana, Famy, Laguna


Dear Madel,


Upang mas madali kang matanggap sa mga ina-apply-an mong trabaho, ayon sa birth date mong 15 o 6 (ang 15 ay 1+5=6) at zodiac sign na Libra, pula ang mapalad mong kulay, habang ang destiny number mo namang 7 ang nagsasabing suwerte ka rin sa kulay na berde o green.


Gayunman, naging 7 ang destiny number mo, para na rin sa kapakinabangan ng mga bago nating readers, ang pag-compute ng destiny number ay ganito, kung ang birthday mong October 15, 1998, mangyayaring, 10+15+1998=2023/ 20+23=43/ 4+3=7.


Samantala, napansin mo ba ang 2023 sa ipinakitang kompyutasyon sa itaas? Ibig sabihin niyan, sa 2023, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang kusa at talaga namang darating sa iyong buhay.


At tulad ng nasabi na, kapag ang destiny number mong 7 ang tatanungin, suwerte ka rin sa kulay na green, habang ang birth date mong 15 o 6 at zodiac sign na Libra ang nagsasabing buwenas din sa iyo ang kulay na pula.


Ganito ang tamang paggamit. Kapag sasapit ang mga petsang 2, 11, 10, 29, 7, 16, 25, 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22 , 31, 8, 17 at 26, lalo na’t natapat ang nasabing mga petsa sa araw ng Lunes, Sabado at Linggo, berde ang isuot mong kulay, habang tuwing sasapit naman ang mga petsang 3, 12, 21, 30, 9, 18, 27, 6, 15 at 24, lalo na kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa araw ng Martes, Huwebes at Biyernes, pula ang isuot mo.


Kusa namang iigting ang mabuting kapalaran mula sa ika-20 ng Enero hanggang sa ika-27 ng Pebrero, mula sa ika-20 ng Mayo hanggang sa ika-27 ng Hunyo at mula sa ika-20 ng Setyembre hanggang sa ika-27 ng Oktubre.


Kapag nasunod mo ang mga simpleng mungkahi sa itaas, tiyak ang magaganap. Ayon sa iyong Career Calendar, sa tulong ng isang mapagkakatiwalaang lalaki na palaging nagsusuot ng kulay na asul at berde, sa taon ding ito ng 2021 hanggang 2022, sa edad mong 23 pataas, matatanggap ka na bilang regular employee sa isang kumpanyang may kaugnayan sa pag-i-import at pag-e-export ng mga produkto.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page