Tamang panahon na raw… JANELLA, INILABAS NA ANG ANAK NILA NI MARKUS
- BULGAR

- Jan 6, 2021
- 1 min read
Updated: Jan 9, 2021
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | January 6, 2021

Finally, inilantad na ng Kapamilya actress na si Janella Salvador ang kanilang anak ni Markus Paterson!
Kahapon sa kanyang Instagram account, ipinost ni Janella ang picture niya habang karga at hinahalikan sa pisngi ang baby. Medyo silhouette ang kuha ng larawan kaya hindi masyadong nakita ang hitsura ng sanggol at hindi pa rin masabi kung babae o lalaki ito.
Ang simpleng caption ni Janella sa photo ay "It's time. 8 PM. Link in bio."
Ibig sabihin, ang iba pang detalye ng pagbubuntis ni Janella ay mapapanood sa kanyang YouTube channel.
At base sa video na ipinost ni Janella sa kanyang vlog sa YouTube, Oct. 20, 2020 at 5:52 PM nang isilang niya ang first baby nila ni Markus.
Matatandaang last quarter ng taong 2020 nang umingay ang balitang buntis si Janella at manganganak nga raw ng October.
Kasunod nito ay ang balitang lumipad na papuntang United Kingdom ang aktres kasama ang BF na si Markus at ang inang si Jenine Desiderio at isang nakababatang kapatid.
Naging palaisipan sa lahat kung totoo bang buntis si Janella dahil hindi nagpapakita ng kabuuan ng kanyang katawan ang aktres nu'ng mga nakaraang buwan.
'Yun pala, may balak itong manggulat ngayong taon sa paglalabas ng larawan ng anak nila ni Markus Paterson.
Well, isa lang ang napatunayan ngayon, dito talaga sa mundo ng showbiz, "If there's smoke, there's fire" at ayan nga, kumpirmado nang isa nang mommy ngayon si Janella Salvador!
Congrats!





Comments