top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Tamang paggamit ng lucky color at date para sa biyudang bet pang mag-asawa

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 25, 2021
3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| March 25, 2021



Dear Maestro,

Ako ay isang biyuda, maaari bang malaman ko rin ang aking masuwerteng numero, kulay at araw? Nabiyuda ako noong January 2020 at sa kabila nito, marami pa ring tukso, lalo na sa isang biyuda tulad ko.

Hindi naman ako nagsasalita nang tapos, kasi para sa akin, kung may darating ay may darating, kung wala naman ay okey lang. Gayunman, nais kong malaman kung halimbawang muli akong iibig at mag-aasawa, magiging maligaya ba ang ikalawang pag-asawa ko o mas dapat na iwasan ko na lang ang mga tukso at mag-concentrate na lang ako sa negosyo at sa pagpapalaki sa aking mga anak? January 3, 1975 ang birthday ko.


Umaasa,

Mariz ng Bagbag, Rosario, Cavite


Dear Mariz,

Puwede ka namang magpatukso o mag-asawang muli, higit lalo kung makasisiguro ka na katugma o ka-compatible mo ang lalaking mamahalin mo nang lubusan. Kailangan din namang binata at walang sabit o pananagutan sa buhay na tulad mo ang lalaking papatulan mo.


Sapagkat kung ikaw ay isang biyuda, hindi naman masama na muli kang umibig, mag-asawa at bumuong muli ng pamilya upang habambuhay na lumigaya.


Samantala, kung muli kang mag-aasawa, tandaan na ang ka-compatible ng zodiac sign mong Capricorn ay ang mga lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus, Cancer, Virgo at kapwa mo Capricorn, habang ang dapat mo namang iwasan ay ang mga Leo. Bukod sa nasabing mga zodiac sign, higit na maganda kung ang kanilang birth date ay 5, 14, 23, 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 3, 12, 21 at 30 upang makasigurado ka ng isang masagana, maligaya at panghabambuhay na pag-aasawa.


Hinggil naman sa masuwerte mong kulay at araw, kung pagbabasehan ang birth date mong 3, mapalad ka sa kulay na violet, red at asul, puwede mo ‘yang pagpalit-paliting isuot sa tuwing sasapit ang petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27, higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa araw ng Martes, Huwebes at Biyernes.


Samantala, kung ang pagbabatayan naman ay ang zodiac sign mong Capricorn at destiny number mong 8 (1+3+1975=1979/ 19+79=98/ 9+8=17/ 1+7=8), mapalad ka rin sa mga kulay na hinango sa lupa at metal. Basta kakulay ng lupa at metal, puwede mong isuot o gamitin, higit lalo sa mga petsang 8, 17, 26, 4, 13, 22, 31, 5, 14 at 23 at kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa mga araw ng Sabado, Miyerkules at Linggo.


Bukod sa kulay ng metal at lupa, mapalad ka rin sa kulay na dilaw at berde kung saan maaari mo namang isuot ang kulay na berde tuwing sasapit ang mga petsang 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25, higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa araw ng Lunes, habang isuot naman ang kulay na dilaw tuwing sasapit ang petsang 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22, at 31, higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa araw ng Linggo.


Samantala, bukod sa lahat ng numerong tinatawag na series of 3-6-9, buwenas ka rin sa mga numerong 7, 16, 25 at lahat ng numerong may sumatotal na 7 at 5, 14, 23, 32, 41 at iba pang kauri nito.


Ayon sa Decadens ng Kapalaran, kusa namang aangat ang graph ng pag-unlad at kaligayahan sa lahat ng aspeto sa iyong buhay at ganundin sa pag-ibig, kaya puwede na muling magmahal at makapag-asawa sa taong 2023 sa edad mong 48 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page