top of page
Search
BULGAR

Tamang hinala, wow mali pala… SNOOKY, SISING-SISI NA NANIWALA SA SULSOL, HINIWALAYAN SI RICARDO

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 2, 2024


Showbiz News
Photo: Snooky Cerna & Ricardo Cepeda / FB

Sa isang interbyu kay Snooky Serna, inamin niyang nagsisisi siya sa kanyang desisyon noon na makipaghiwalay sa kanyang mister na si Ricardo Cepeda. 


Dahil sa mga taong nagsulsol sa kanya na ang hangad lang ay paghiwalayin silang mag-asawa ay nakagawa si Snooky ng isang malaking pagkakamali sa kanyang buhay. 


Hindi muna niya inalam kung totoo ang mga ibinalita sa kanya tungkol kay Ricardo. Huli na ang lahat nang malaman niyang pawang paninira lang sa kanyang mister ang ikinakalat ng mga naiinggit sa kanilang pagsasama.


Kaya naman nang ma-grant ang annulment ng kanilang kasal ni Ricardo ay tinawagan ni Snooky ang dating mister at nag-sorry. Naging isang malaking leksiyon ‘yun para sa kanya kaya ngayon ay hindi na siya basta nakikinig sa mga sulsol ng mga tao.


Sa kabila ng mga kabiguan niya sa pag-ibig, hindi basta sumusuko si Snooky Serna.


 

Maingay ang usap-usapan na babalik na sa political arena si Star for All Seasons Vilma Santos. Malawak ang kanyang experience bilang isang public servant at mabenta ang naging performance niya nang maging mayor ng Lipa City.


Nakita ng mga Batangueños na isa siyang hardworking leader, masang-masa ang kanyang appeal at madaling lapitan ng mga nangangailangan ng tulong. 


Kaya naman marami ang natuwa sa bali-balitang muling magbabalik sa pamumuno sa Batangas si Ate Vi.


As of now ay wala pang final answer si Vilma sa kanyang political plan. Ipinauubaya na niya sa Diyos kung anuman ang kanyang magiging desisyon. 


Pero, paniniwala ng mga taga-Batangas na malakas ang laban ng Star for All Seasons at hindi siya puwedeng talunin ng sinumang makakatapat niya sa posisyon bilang gobernador ng Batangas.


 

Aktibung-aktibi ang Senate Spouses Foundation, Inc. (SSFI) sa pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng Bagyong Carina sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan. Nag-repack sila ng food packs at groceries upang ipamigay sa mga tao na nasa evacuation centers.


Well, pinangunahan ni Heart Evangelista ang pamamahagi ng ayuda, katulong ang mga misis ng mga senador at nag-donate rin si Heart ng sarili niyang pera na worth P1.5 million upang gamitin sa pamimigay ng ayuda. Hindi na ito galing sa pondo ng SSFI kaya sa good gesture na ito ni Heart ay hinangaan siya ng mga asawa ng mga senators. 


Kahit daw pala sosyal ang image ni Heart at kilalang fashion icon, maaasahan siya sa panahon ng kalamidad. 


For sure, proud na proud din si Sen. Chiz Escudero sa kanyang wifey. Magandang example ang ipinakita ni Heart Evangelista at asset siya ng kanyang asawa.


 

Sa isang pahayag ni Jackie Lou Blanco ay nabanggit niyang ipinu-push na siya ng kanyang mga anak na humanap na rin ng boyfriend upang sumaya ang kanyang buhay. May girlfriend na rin naman kasi ang kanilang dad na si Ricky Davao. 


Deserve na rin ng kanilang mom ang magkaroon ng love life. Ilang taon na rin na namumuhay na single si Jackie Lou. Naiintindihan naman ng mga anak nila ni Ricky ang sitwasyon.


But it seems, hindi mahalaga kay Jackie Lou ang love life. Hindi pa niya natatagpuan ang mga katangian ni Ricky sa ibang lalaki na nakilala niya. Kaya sabi ng malalapit niyang kaibigan, posible na mahal pa rin ni Jackie Lou si Ricky at umaasang magkakabalikan pa silang muli. Totoo kaya ito?


Kaya lang, may bago nang pag-ibig si Ricky Davao at maligaya na siya. But who knows, marami pang puwedeng mangyari. 


Samantala, maraming netizens ang nagtatanong kung ano ang totoong rason kung bakit nagkahiwalay noon sina Jackie Lou at Ricky Davao. Wala naman daw third party involved. Hindi na lang nila isinapubliko ang mga dahilan upang maging pribado ang lahat at huwag silang pagpiyestahan ng mga Marites alang-alang na rin sa kanilang mga anak.


Ganunpaman, civil naman sina Jackie Lou Blanco at Ricky Davao kapag nagkikita.


0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page