top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Tama na ang pambubudol, mga pramis ni P-BBM tuparin!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 3, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | July 3, 2023


Tiniyak ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa mga Pilipino na patuloy na magsisikap ang kanyang administrasyon upang matiyak na wala nang magugutom na Pilipino.


Ito ang pahayag ng Pangulo sa pagdiriwang ng 56th founding anniversary ng Davao del Sur kamakailan.


Sa kanyang talumpati, ang pagbibigay ng pinakamahusay na serbisyo sa mamamayang Pilipino ang paraan niya ng pasasalamat sa kanilang pagtitiwala noong 2022 elections.


Sa pagtutuon ng lokal na pamahalaan sa lahat ng aspeto ng kanilang pang-araw-araw na buhay, sinabi ni Marcos na maaaring umasa ang mga mamamayan sa pagsulong sa mga local businesses, pagpapabuti ng pang-araw-araw na transaksyon, at mas magandang kalidad ng pamumuhay.


Samantala, ang isa sa mga programa ng gobyerno para maibsan ang gutom at kahirapan sa mga pamilyang may mababang kinikita ay ang "food stamp" program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Sa unang en banc meeting ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) noong Hunyo 30, ipinag-utos din ni Marcos sa mga ahensya ng gobyerno na gamitin ang whole-of-government approach para labanan ang matagal nang problema ng kahirapan sa bansa.


Gayunman, inulit ng Pangulo ang kanyang panawagan para sa pagkakaisa, at sinabing ito ang kanyang pinakamalaking hamon sa mga Pilipino.


Sa totoo lang, marami pang ipinangako ang Pangulo na hanggang ngayon ay hindi pa rin natutupad. Katulad na lamang ng gagawin niyang P20 ang bigas, sa halip nagtataasan pa rin ang mga bilihin.


Sa pahayag niyang ito, tila binubudol na ang mga Pilipino. Sana ay huwag puro pangako lang dahil umaasa ang taumbayan sa magandang pagbabago ng bansa.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page