Talking stage gone wrong… Signs na ayaw na sa ‘yo ng kausap mo
- BULGAR
- Mar 13, 2022
- 2 min read
Updated: May 2, 2022
ni Mharose Almirañez | March 13, 2022

Naninibago ka ba sa biglaang coldness ng ka-talking stage mo? ‘Yung tipong, online naman siya, pero napakatagal niyang basahin ‘yung nag-deliver mong chat sa inbox niya. Worst thing is, nu’ng in-open niya ang message mo ay hindi naman siya nag-reply. Kumbaga, na-seen zone ka lang. Ouch, ‘di ba?!
Ngunit alam mo ba kung ano’ng mas masakit? ‘Yung nakita mong ‘typing’ na siya, pero isang napakatipid na “Slr” lamang ang reply niya’t sinundan pa ng napaka-dry na open-ended topic. Mapapa-‘tsk’ ka na lang talaga!
Upang lalo kang mag-overthink, narito ang ilan pang signs na ayaw na sa ‘yo ng ka-talking stage mo:
1. HINDI NA NIYA NAGE-GETS ‘YUNG JOKES MO. Kung noon ay walang-patid ‘yung pagpapalitan n’yo ng korning punchlines at humored jokes, ngayon ay parang out of this world na siya’t tila hindi na kayo ‘on the same page’.
2. HINDI NA SIYA PALATANONG. Kung noon ay walang tigil ang pagtatanong niya’t very interested siyang malaman ang every single details of you, ngayon, he/she left you hanging, questioning your worth at ang napakaraming “what if”.
3. HINDI NA SIYA PALABIGAY NG TOPIC. Kung noon ay ultimo non-sense topic ay pinagkukuwentuhan n’yo hanggang madaling-araw, ngayon ay ikaw na itong pala-open ng topic para lamang mapahaba ang conversation n’yo.
4. HINDI NA SIYA PALA-UPDATE. ‘Yung mas napapadalas ang pagsasabi niya ng, “Sorry, nakatulog,” “Busy sa work,” “May pinuntahan/inasikaso,” o whatsoever at ang pesteng “Slr” o “Sorry, late reply”. Samantalang noon, kahit nasaan o anuman ang ginagawa niya ay nacha-chat ka pa rin niya.
5. HINDI NA KAYO SAME ENERGY. Ito ‘yung energetic ka sa pagkukuwento at napakarami mo pa sana gustong i-tsika, pero napaka-dry and cold na ng bawat sagot niya. ‘Yung mas nauuna na rin siyang mag-good night sa ‘yo dahil pagod daw siya, samantalang noon, ikaw daw ang pahinga niya.
Hindi naman sa pinag-o-overthink kita, pero what if may bago na siyang kausap o na-turn off na siya sa ‘yo? Baka naman, ikaw talaga ‘tong red flag?
Dapat mo ring tanungin ang sarili mo kung bakit nga ba siya nagsimulang magbago. Pag-isipan mong mabuti kung may nasabi o nagawa ka bang nagpa-discourage sa kanya. Puwede rin kasing bigla na lang niyang na-realize na hindi pa pala siya ready sa relationship.
Mahirap ‘yung hanggang talking stage na lang kayo, pero mas mahirap kung magse-settle ka sa bare minimum. Hangga’t maaga at hindi pa naman ganu’n ka-strong ‘yung foundation na na-build n’yo ay ikaw na itong kumawala.
Gayunman, hindi porke nararamdaman mong malapit ka na niyang i-ghost ay uunahan mo na siya. Ang ipinupunto ko rito, sana ay magkaroon ka pa rin ng lakas ng loob para komprontahin siya’t alamin ang problema. Baka kasi puwede pang maayos, ‘di ba? Pero kung hindi na talaga, magpasalamat at magpaalam ka man lang sa kanya bilang closure, hindi man naging kayo.
Good luck, beshie. Kaya mo ‘yan!








Comments