top of page
Robin Padilla at BB - FB - 1.jpg

Takot na takot magselos ang GF… RAYVER, MAGPAPAALAM MUNA KAY JULIE ANNE BAGO MAKA-WORK ANG EX

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | June 27, 2026



Julie Anne San Jose - Rayver Cruz

Photo: Julie Anne San Jose - Rayver Cruz - IG



Sabay na nag-agree ang Kapuso couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz nang tanungin sila ng King of Talk na si Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kung posible na silang magpakasal sa taong 2027.


Ayon kay Rayver, hindi man niya matiyak ang eksaktong timeline ng kanilang pagpapakasal, sigurado siyang si Julie Anne na ang babaeng nais niyang makasama habambuhay.


“‘Di kasi, ang ganda ng tanong, Tito Boy. Alam ko naman na ‘di talaga natatanong sa amin ‘yan ever. Pero kaya ako nag-agree dito, Tito Boy, kasi ‘di ko man alam ang timeline, alam ko naman na si Julie Anne na ang mapapangasawa ko,” ani Rayver.


Sa nasabing panayam, tinanong ni Boy sina Julie Anne at Rayver kung napag-uusapan pa ba nila ang kani-kanilang mga ex sa puntong ito ng kanilang relasyon.


Tanong ni Boy, “Do you talk about your exes at this point in your relationship?”

Sumagot si Rayver, “‘Di ko s'ya ibi-bring up unless nagtanong si Jules, pero ‘di s’ya ‘yung out of nowhere na parang nagre-reminisce ka kasi, s’yempre, for me, baka ‘di ka super, super in love sa partner mo.”


Natanong din ng mahusay na TV host kung papayagan ba nila ang isa’t isa na makatrabaho ang kani-kanilang mga ex.


Tanong ni Boy kay Julie Anne, “Papayag ka bang makatrabaho o maka-collaborate si Elmo Magalona?”


Agad namang sagot ni Julie Anne, “Oo naman, of course.”

Sinundan ito ni Boy ng tanong na, “Naging kayo ba?”


Tugon ni Julie Anne, “No. But Elmo and I are really, really good friends. Alam naman ng lahat ng tao ‘yan. Si Elmo is a very nice guy at sobrang talented. Saka if ever na magkaroon ng collaboration, why not, ‘di ba?”


Nang tanungin si Julie Anne kung papayagan niyang makatrabaho ni Rayver ang sinuman sa mga naging ex nito, mabilis siyang sumagot ng “Oo naman, wala pong kaso.”

Samantala, may kondisyon naman si Rayver kung sakaling makatanggap siya ng alok na makatrabaho o makipag-collab sa isa sa kanyang mga ex bilang paggalang sa kanyang girlfriend.


Ayon kay Rayver, “Bago ang trabaho, iisipin ko muna kung payag ang girlfriend ko.”

Ibinahagi naman ni Julie Anne na wala itong problema sa kanya dahil malaki ang tiwala niya kay Rayver.


“For what it’s worth, wala po talagang problema sa akin because parang wala na kasi kami sa phase na ‘yun to question each other’s loyalty,” ani Julie Anne.


Dagdag pa ni Rayver, “Ako kasi, naiisip ko na baka pag-awayan pa ‘yan. Pero kung pahihintulutan naman ng partner mo, bakit hindi?”


Wow, napaka-sweet talaga ni Rayver sa kanyang loving girlfriend na si Julie Anne San Jose.



ISANG masaya at mala-piyestang Linggo ang sasalubong sa mga Kapamilya kasama ang cast ng hit ABS-CBN action series na Coco Martin's Sigabo para sa Pampanga Sigabo motorcade na gaganapin ngayong Hunyo 28 (Linggo).


Pangungunahan ng Hari ng Aksyon sa Ating Henerasyon na si Coco Martin at Prime Actress Julia Montes ang pag-iikot ng Sigabo cast sa motorcade na magsisimula sa San Fernando, Pampanga, alas-4:00 ng hapon.


Isa ang Pampanga sa mga lugar na kasama sa Sigabo nationwide motorcade matapos ang naging pagbisita ng cast kamakailan sa Manila, Cebu, Cavite, at Palawan, kung saan walang humpay na hiyawan ang sumalubong kina Coco at Julia sa mga kalyeng punumpuno ng mga Kapamilya na iisa lang ang sigaw, “Sigabo!”


Buhay na buhay nga ang telebisyon sa pagbabalik ni Coco matapos subaybayan ng mga pamilyang Pilipino ang premiere nito noong Hunyo 22. Nagtala rin ito ng higit sa tig-400,000 peak concurrent viewers o sabay-sabay na nanonood sa YouTube (YT) para sa unang dalawang episodes ng serye.


Maki-join na sa saya at good vibes at abangan ang cast sa kanilang Pampanga motorcade ngayong Hunyo 28 (Linggo).


Mas maraming Pilipino na ang makakapanood ng Coco Martin’s Sigabo sa iba’t ibang platform kung saan available ito Lunes hanggang Biyernes, alas-8:00 ng gabi, sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YT at Facebook (FB), at iWant. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
LOTTO RESULTS  SATURDAY,  JUNE 27, 2026  JACKPOT PRIZE*

Grand Lotto 6/55 : 38-27-33-32-49-31 ₱ 50,310,159.20
Lotto 6/42              : 24-31-03-36-35-23 ₱ 49,566,536.61
6D Lotto                 : 
8-0-4-7-2-1               ₱ 5,404,454.28

3D Lotto 2 PM       : 7-6-0-                        ₱ 4,500.00
3D Lotto 5 PM       : 0-1-2-                        ₱ 4,500.00
3D Lotto 9 PM       : 
9-5-8-                        ₱ 4,500.00



*Jackpot amount may change depeding on actual sales.      View All Results >
bottom of page