top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Tag-init o tag-ulan, umaatake pa rin ang dengue

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 19, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | April 19, 2023


Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na maging maingat hinggil sa mga lamok na naghahatid ng dengue dahil walang pinipili ito sa pagpapakalat ng sakit kahit pa panahon ng tag-init.


Ito ang naging pahayag ni DOH Officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, kung saan marami ang nag-aakala na tuwing tag-ulan lang umaatake ang mga lamok na may dalang dengue, subalit hindi ito ang kaso sa bansa tuwing summer.


Binanggit ni Vergeire na ang dengue sa Pilipinas ay endemic na ang ibig sabihin, anumang uri ng panahon o buwan, may naitatalang kaso ng dengue sa bansa.


Paliwanag ng kalihim, tuwing tag-init na kung kailan kinakapos ang suplay ng tubig, marami ang nag-iimbak ng tubig sa kanilang mga drum, timba at iba pang container nang hindi tinatakpan.


Aniya, rito umano nangingitlog ang mga lamok kapag naging ‘stagnant’ na ang tubig.


Dahil sa clear at stagnant ang iniipon na tubig, kailangan na takpan ang mga lalagyan nito upang maiwasan ang mga lamok na mag-multiply o magparami at magkaroon nito sa mga kabahayan, ayon sa kalihim.


Batay sa datos ng ahensya, mula Enero 1 hanggang Marso 18, nakapagtala na ang Pilipinas ng 27,670 kaso ng dengue. Mas mataas ito ng 94% kumpara sa naitala noong nakaraang taon sa parehong mga buwan na umabot sa 14,278.


Ayon pa sa DOH, karamihan sa mga bagong naitalang kaso ay mula sa National Capital Region (NCR) na may 3,898, Central Luzon na may 3,053 at Davao Region na 2,707.


Mainam ang naging paalala ng kinauukulan sa taumbayan para makapag-ingat nang husto laban sa nasabing sakit.


Hindi biro ang datos na lumalabas na mas mataas ang kaso dengue na naitatala ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.


Marahil, dapat na patuloy nating sundin ang payo ng kagawaran na gawin ang 4S o search and destroy mosquito-breeding sites, secure self-protection measures, seek early consultation, and support fogging/spraying only in hotspot areas, dahil malaking tulong ito para makaiwas na tamaan ng ganitong sakit. Mabuti ring panatilihin natin ang kalinisan sa ating kapaligiran.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page