top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

Taas-presyo, wa’ epek sa mga korup, nakaw pa more mga kapalmuks!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 22, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | August 22, 2023


SEN. BONG GO MAY ‘K’ MAG-NUMBER 1 SA SURVEY, ANG IBANG RE-ELECTIONIST SENATORS MGA PABIDA LANG -- Sa inilabas na survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ay rank number 1 si Sen. Bong Go, at may “K” naman talaga siyang mag-top kasi nga milyun-milyong mahihirap na Pinoy na nagkakasakit ang nakikinabang sa batas niyang Malasakit Center for free hospitalization, pero ‘yung ibang re-electionist senators na pumasok sa top 12 ay dapat i-reject na sila ng mga botante sa 2025 elections.


Wala kasing inatupag ang ilang re-electionist senators sa Senado kundi magpabida at tumanggap lang ng pork barrel funds, period!


◘◘◘


DAPAT MGA MUKHA LANG NINA P-BBM AT VP SARA ANG TINANGGAL SA MGA KLASRUM -- Ang lahat ng dekorasyon na nakalagay sa mga klasrum ay may kinalaman sa pag-aaral ng mga bata, tulad ng alphabet letters, Arabic numerals, meron ding larawan at pangalan ng mga bayaning Pilipino at larawan ng kasalukuyang presidente at bise presidente.


Kaya ‘yung desisyon ni Vice President, Dept. of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio na tanggalin ang mga dekorasyon sa mga klasrum na kesyo nakaka-distract daw sa mga mag-aaral ay mali, kasi kung meron mang dapat tanggalin sa mga silid-aralan ay ang mukha nina Pres. Bongbong Marcos at VP Sara dahil sa totoo lang, mas nakaka-distract ang mga pagmumukha nila na nakalagay sa mga klasrum, kaysa mga dekorasyon, boom!


◘◘◘


HINDI LAHAT NG PINOY APEKTADO SA PAGMAHAL NG PRESYO NG BIGAS, KASI ANG MGA KURAKOT HINDI APEKTADO -- Grabe na sa mahal ang presyo ng per kilo ng bigas kasi P50 na ang pinakamababang presyo.


Buti sana kung lahat ng Pinoy ay apektado, ang nakakabuwisit hindi lahat, kasi ang mga kurakot sa pamahalaan ay hindi apektado dahil sa rami nila laging nakukurakot sa kaban ng bayan, tsk!


◘◘◘


HANGGA’T WALANG SINASAMPOLAN ANG GOBYERNO NA MAY MAIPAKULONG NA VLOGGERS NA ALAGA NG MGA GAMBLING LORD, HINDI TITIGIL ANG MGA ITO SA BAD NA GAWAIN -- Patuloy pa rin ang panghihikayat ng mga vloggers sa kanilang followers sa social media na magsugal sa online illegal gambling.


Hangga’t walang sinasampolan ang gobyerno na may makasuhan at maipakulong na mga ganitong bad na vloggers na alaga ng mga gambling lords, hindi titigil ang mga ito sa kanilang masamang gawain, period!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page