Taas-presyo sa gas non-stop, goodbye trapik!
ni Ka Ambo - @Bistado | March 11, 2022
AKTUWAL nang may krisis sa ekonomiya.
Hindi ito kagagawan ng virus, bagkus mismo ng tao.
◘◘◘
PINATUNGAN agad ang presyo ng petrolyo at LPG.
Mga buwitre talaga.
◘◘◘
TULOY ang e-sabong.
Marami pa ang madudukot at maghihiwalay na mag-asawa dahil sa pagkaubos ng suweldo.
◘◘◘
MARAMI na ang naghihintay ng ayuda.
Pantalpak sa sabong?
◘◘◘
LULUWAG na ang trapiko.
Wala kasing pang-gas.
◘◘◘
BAKIT walang nagdedebate tungkol sa krisis?
Walang mahusay na moderator.
◘◘◘
HINDI ba n’yo napapansin na panay “trabaho” ang tema ng political ads?
Nambobola lang ang mga loko.
◘◘◘
DAPAT nang ipagbawal ang pekeng propaganda.
Labag ‘yan sa prinsipyo ng pamamahayag.
◘◘◘
BAKIT kaya mayroon pang motorcade?
Hindi ba puwedeng marathon na lang?
◘◘◘
HINDI maawat ang propagandistang Isko-Sara. ‘Pag nag-backfired ‘yan, baka hindi iboto ng mga maka-Marcos si Inday.
Nangingise lang nang lihim si Tito Sen.
◘◘◘
MAS malaki ang mawawala kay Inday Sara kapag umingay ang Isko-Sara.
Nakakainsulto ‘yan sa “Solid North”.
◘◘◘
AYON sa mga expert, umo-orbit na lang sa “panalo” si Marcos. Kumbaga, batay sa matematika, sure winner na siya.
Pero, si Inday Sara, delikado pa sa nakabuntot na si Tito Sen. Baka ma-bulaga ang Davao.
◘◘◘
BERDE ang “buwenas” ni Tito Sen.
Iyan kasi ang nagpasikat sa Escalera Brothers — GREEN JOKES.
◘◘◘
ANO kaya ang masasabi ni Digong kapag may nag-organize ng MARCOS-SOTTO tandem?
Sige, gumimik pa kayo!
◘◘◘
HINDI lahat ng covert operations ay nagki-click.
Mas marami rito ay nagbo-boomerang.
◘◘◘
DAPAT ay umayos ang mga kandidato.
Iwasan nila ang maging traydor sa mga kagrupo.





Comments