top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Taas-presyo, nagbabadya dahil sa dagdag-discount sa senior at PWD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 2, 2024
  • 1 min read

@Editorial | Marso 2, 2024


Good news sa mga lolo’t lola at maging sa mga Persons with Disabilities (PWDs) ang dagdag-discount na inaasahang magsisimula na ngayong Marso.


Gayunman, bad news naman umano ito sa mga negosyante.


Kasabay ang babala na tataas ang presyo ng bilihin kapag pinilit silang saluhin ang dagdag-discount sa mga groceries at pangunahing pangangailangan.


Sa pahayag ng Philippine Consumer Centric Trader Association, maaari umanong unang tamaan ng nabanggit na dagdag-diskwento ang basic and canned commodities.


Dagdag pa, sumusunod ang mga retailer sa itinatakda sa Suggested Retail Price, kaya pag-iisipan umano ng mga ito kung ibebenta pa ang mga bilihin na mababa ang kita.


Kumbaga, ang ibibigay na diskwento sa senior at PWDs ay ipapasa rin ng mga negosyante sa ibang consumers. Ibig sabihin, kawawa ang mga hindi senior at PWD, dahil sila ang sasalo ng nabanggit na pagtaas ng diskwento. 


Ang tanong, ito ba ay makakatulong o makakadagdag lang sa pasanin?


Ang apela tuloy ng publiko, kung may mga ganitong hakbangin ang gobyerno, sana’y matiyak muna na walang malalagay sa alanganin.


Ngayon, kung may kakayahan naman ang pamahalaan na sagutin ang ibibigay na dagdag-discount sa mga senior at PWD, mas mainam. Makakadagdag-ginhawa kina lolo’t lola at sa mga PWD, at hindi naman malulugi ang mga nasa negosyo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page