top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Taas-pasahe, ‘di sagot sa non-stop oil price hike

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 5, 2023
1 min read

@Editorial | October 05, 2023


Simula sa Linggo, Oktubre 8, madadagdagan na ng piso ang pamasahe sa mga pampasaherong jeep sa buong bansa.


Ito ay matapos aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pisong provisional increase na hiniling ng transport groups matapos ang hearing nitong Martes.


Kaya naman, sa mga traditional public utility jeepney (TPUJ) ay magiging P13 na ang minimum na pasahe habang sa modern PUJ (MPUJ) ay P15.


Ang pisong provisional increase ay pansamantala lamang habang hindi pa umaayos ang presyo ng gasolina sa bansa. Bagay na dapat lang.


Huwag sanang makasanayan na sa tuwing may oil price hike, ang tila tanging solusyon na naiisip ay taas-pasahe. Sa madaling salita, ‘wag naman sanang ipasa lang ang pasanin sa komyuter, isip-isip din ng iba at pangmatagalang solusyon.


Samantala, may panibagong hearing na itinakda ang LTFRB sa susunod na linggo para naman dinggin ang petisyon ng iba pang transport group na humihingi ng P5 pagtaas sa minimum fare sa jeep pa rin.


Sana, makagawa ng paraan ang gobyerno na makalaban sa sinasabing ‘di nadidiktahang presyuhan sa petrolyo. Ito ang isa sa mga literal na nagpapatakbo ng ekonomiya na kung walang alternatibo ay pare-parehong nganga ang mamamayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page