Taas pa more ng presyo ng mga bilihin at bayarin, pahirap sa mamamayan
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 14, 2022
WALANG KATAPUSANG PAHIRAP SA MAMAMAYAN—Matapos ianunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong November 4, 2022 na sumirit na sa 7.7% ang inflation rate sa Pilipinas at isapubliko ng Meralco noong November 10, 2022 na magtataas ulit sila ng singil sa kuryente ay inihayag ng Department of Energy (DOE) na next week ay magtataas na naman ang presyo ng gasolina at kerosene sa bansa.
Kapag ang presyo ng mga produktong petrolyo ay tumaas, ang kasunod niyan ay pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin.
Hay naku, wala na talagang katapusan ang mga nangyayaring ito na pahirap sa buhay ng mamamayan.
◘◘◘
P-BBM, HUWAG GAYAHIN ANG SHOCKING NA PANGUNGUTANG NI EX-P-DUTERTE—Nanawagan si Sen. Risa Hontiveros kay P-BBM na huwag gayahin ang ginawang pangungutang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan nabaon nang husto sa utang ang Pilipinas.
Sana ay pakinggan ni P-BBM ang payo ni Sen. Risa dahil sa totoo lang ay bad at shocking ang ginawang pangungutang ni ex-P-Duterte, na sa anim na taon ay nakapangutang ito ng higit P6.9-T, hinigitan ang pinagsama-samang utang ng mga dating pangulo.
◘◘◘
GOVERNOR, MAYOR AT KAPITAN, STRESS SA PAGBAWAS NG NATIONAL GOVERNMENT SA IRA NG MGA LGUs—Kumpirmado, binawasan ng national government ang ipinagkaloob nitong Internal Revenue Allotment (IRA) o National Tax Allocation (NTA) sa mga LGUs.
At dahil d’yan ay stress ngayon ang mga local officials kung paano matutustusan ang basic services, proyekto at programa para sa kanilang mamamayan.
◘◘◘
KAILAN KAYA IPAPA-‘TOKHANG’ NI BI COMM. TANSINGCO ANG FIXER NA SI ‘BETCHAI’?—Patuloy pa rin sa kanyang raket bilang fixer sa Bureau of Immigration (BI) si alyas Betchai.
Pambihira, ang tagal ng pumuputok ang pangalang “Betchai” na fixer sa BI, pero hanggang ngayon ay hindi pa pala ito tinu-tokhang ng mga awtoridad.
Kailan kaya gagawa ng aksyon si BI Commissioner Norman Tansingco para ma-“tokhang” na si “Betchai”?





Comments