Taas pa more ang inflation, "Paskong tuyo" tuloy ang mga Pinoy
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 8, 2022
MARAMING MAGPA-PASKONG TUYO—Isang araw matapos isapubliko ng Philippine Statistics Authority (PSA) na sumirit sa 8.0% ang inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin, inanunsyo rin nito na 2.24 milyong Pinoy ang nawalan ng trabaho.
Dahil sa magkasunod na bad news, asahang maraming Pinoy ang magpa-"Paskong Tuyo" ngayon.
◘◘◘
TAMA ANG BUSINESS SECTOR NA HANGGA'T WALANG RULE OF LAW VS. KURAKOT, HINDI DAPAT ISAKATUPARAN ANG MAHARLIKA WEALTH FUND—Para sa mga negosyante na kasapi ng iba't ibang business organizations sa bansa, hangga't walang ipinaiiral na rule of law laban sa mga kurakot sa pamahalaan, hindi dapat isakatuparan ang Maharlika Wealth Fund (MWF) na isinusulong ng mag-amang Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos at pinsan ng pangulo na si Speaker Martin Romualdez.
May punto ang mga negosyante na magbitaw ng ganitong statement dahil nasaksihan din nila na noong panahon ng administrasyong Duterte ay mismong si ex-P-Duterte ang nag-aabogado sa mga sangkot sa multi-billion peso scam sa PhilHealth at sa sabwatan ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) at Pharmally Pharmaceutical Corporation sa pagbili ng mga overprice na facemask at face shields na nagresulta, kaya kahit isa sa mga "buwaya" sa Duterte government ay walang nakulong.
◘◘◘
KUNG HINDI BINEYBI NI DUTERTE ANG CHINA, HINDI ITO MAGLALAKAS-LOOB NA ANGKININ ANG WEST PH SEA—Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines-Western Command (AFP-WestCom) Vice-Admiral Alberto Carlos, na 25 Chinese militia vessels ang pumasok na sa karagatang sakop ng Palawan province, at ang ginawa ng mga it ay pinagbabawalan ang mga mangingisdang Pinoy na mangisda sa karagatan na nasa hurisdiksyon ng Pilipinas.
Masyado kasing bineybi ni Duterte ang China kaya lumakas ang loob na angkinin ang West Philippine Sea (WPS) at pagbawalan ang mga mangingisdang Pinoy na mangisda sa dagat ng Pilipinas.
◘◘◘
BUKOD SA ONLINE SABONG, SANA AY MAGKAROON DIN NG CRACKDOWN LABAN SA STL-CON JUETENG—Ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin ang crackdown laban sa mga "guerilla operations" ng online sabong na nambibiktima sa mga kababayan nating OFWs.
Sana ay isinama na rin ni Gen. Azurin ang crackdown laban sa operasyon ng mga STL (Small-Town Lottery), na ang binibiktima sa ganitong raket ay ang masa.





Comments