top of page
Search
  • BULGAR

Suwerteng petsa ng pagpapakasal para sa mag-dyowang Gemini-Virgo

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | June 21, 2023



Dear Maestro,


May girlfriend ako na isinilang noong June 17, 1998 habang ako naman ay September 14, 1997. Sa pagkakaalam ko ay hindi kami compatible, dahil Virgo ako at Gemini naman siya.


Almost two years na ang aming relasyon at balak na naming magpakasal sa susunod na taon.


Kahit ba hindi kami compatible, magiging maligaya at maunlad kaya ang aming papasuking pag-aasawa? Kailan kaya kami maaaring magpakasal? Anong buwan at petsa kaya ang suwerte para sa amin? At ano ang magandang motif o kulay sa araw ng aming kasal?

Umaasa,

Daren ng Balsic, Hermosa, Bataan


Dear Daren,


Mali ang iyong iniisip na hindi kayo compatible ng girlfriend mo, bagkus ang katotohanan ay tugma kayo, dahil ang Gemini at Virgo ay may iisang ruling planet, na tinataglay – ito ang planetang Mercury.


Ibig sabihin, sa Western at Oriental Astrology, hindi kayo compatible, ngunit sa Depth Astrology o malalimang pagsusuri ng mga planetang umiiral sa inyong zodiac sign, tunay nga compatible ang Virgo at Gemini, dahil sila ay may iisang planetang tinataglay – ang planetang Mercury.


Nagkataon ding sa Numerology, ang birth date mong 14 o 5 (ang 14 ay 1+4=5) ay tugma rin sa birth date na 17 o 8 (1+7=8) ng girlfriend mo, kung saan ang numerong 5 at 8 ay ideal na magsama, lalo na sa pagnenegosyo at sa aspektong pangkabuhayan at pagpapayaman,


Kaya kapag kayo ang nagkatuluyan, tiyak ang magaganap mapapaunlad niyo ang aspetong pangpinansyal na itatayo ninyong pamilya at siyempre dahil nga compatible rin kayo sa Depth Astrology, nakatakda ring maging matagumpay at maligaya ang inyong relasyon habambuhay.


Samantala, kung sa susunod na taon 2024 o kaya sa 2025 kayo magpapakasal, ituon ang nasabing kasal sa suwerteng buwan ng Mayo hanggang Oktubre, sa mga petsang 1, 5, 7, 10, 14, 15, 16, 19, 23, 25, at 28


Siguraduhin lamang na sa petsang inyong pipiliin, papalaki at papabilog ang buwan sa kalangitan, upang habang kayo ay nagsasama, papalaki rin ang inyong pag-unlad at panghabambuhay na pagmamahalan.


Mapalad namang motif ng kasal ang kulay green, red, white at silver. Habang ang metallic blue na kumikislap-kislap at nagkukulay metal ay masuwerte rin kung siyang gagamiting opisyal na kulay sa araw ng inyong kasal.


Sundin niyo lang ang mga rekomendasyong inilahad sa itaas, upang matiyak na ang bubuuin ninyong relasyon ay aani ng isang magbunga, mabiyaya at maligayang pagmamahalan habambuhay.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page