top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Suwerteng petsa at motif para sa mag-dyowang Scorpio at Taurus

  • BULGAR
  • Jun 16, 2021
  • 3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| June 16, 2021


Dear Maestro,


Dalawa ang birthday ko. Ang orihinal at palagi kong ipinagdiriwang ay November 2, 1989, pero nang kumuha ako ng birth certificate para gamitin sa aking nalalapit na kasal, ang nakarehistro pala ay November 5, 1989.


Gusto kong malaman kung ano ang magandang gamitin sa dalawang birthday ko para suwertehin at umunlad ang aking buhay sa panahong may pamilya na ako? Ang birthday naman ng boyfriend ko ay May 17, 1988. Compatible ba kami at kami na ang magkakatuluyan? Nais ko ring malaman kung ano ang magandang motif sa aming kasal na magbibigay sa amin ng suwerte at magandang kapalaran?


Umaasa,

Ms. Scorpio ng Bancal, Meycauyan, Bulacan


Dear Ms. Scorpio,


Higit na magiging mapalad sa iyo ang birthday na November 5, 1989, kaysa sa November 2, 1989. Sapagkat ang birth date na 5 (tulad ng 14 at 23), tulad ng madalas nating ipinaliliwanag ay umuunlad at yumayaman sa pamamagitan ng pagnenegosyo at pag-a-abroad at kung minsan pa nga ay yumayaman din sa pag-aasawa.


Kaya tulad ng naipaliwanag na, November 5, 1989 ang gamitin mong birthday upang sa nalalapit na pag-aasawa at pagtatayo ng pamilya, matitiyak ang maunlad at masaganang pagsasama habambuhay. Dapat lang na November 5, 1989 ang gamitin mo, sapagkat ang birth date na May 17, 1988 ng iyong boyfriend ay tugma sa nasabi mong kaarawan.


Sapagkat ang pagsasama ng birth date na 17 o 8 (ang 17 ay 1+7=8), na under sa planetang Saturn, na yumayaman din sa pamamagitan ng walang habas na pagnenegosyo, at birth date na 5, na under sa planetang Mercury na yumayaman din sa pagnenegosyo at paglalakbay ay may magandang kumbinasyon at harmony sa isa’t isa. Kapag sila ay nagsama, hindi lamang sa negosyo kundi pati sa pag-ibig at pagtatayo ng masaya at panghabambuhay na pamilya ay tiyak namang uunlad at magiging maligaya.


Hinggil naman sa Astrology na pag-aanalisa, dahil Scorpio ang zodiac sign mo habang Taurus naman ang zodiac sign ng boyfriend mo, tunay nga na sa Oriental Astrology, compatible kayong dalawa. Ito ay dahil ang Scorpio na may elementong tubig o water ay suwetong isama sa Taurus na nagtataglay ng elementong earth o lupa kung saan ang pagsasama ng tubig at lupa ay sadyang itatalang puno ng ligaya at mga pagpapala.


Pula naman ang angkop na kulay sa zodiac sign na Taurus, habang berde ang suwetong kulay sa zodiac sign na Scorpio at birth date na 8, habang ang birth date mong 5 ay nagsasabing mapalad ka rin sa kulay na silver, powder blue at gray.


Pag-usapan n’yo ng iyong boyfriend ang angkop at ibig n’yong kulay sa mga suhestiyong nabanggit dahil kung pula, ito ay sumisimbolo ng malawak at buong enerhiya ng pag-ibig at pagkilos. Kung berde naman, ito ay sumisimbolo ng kulay ng dahon at mga halaman na nagbabadya ng walang tigil na paglago at pamumunga. Habang ang silver ay kumakatawan sa kayamanan at katatagan, samantalang ang kulay na powder blue ay nagpapahiwatig naman ng isang mapayapa at masaganang pagsasama habambuhay.


Kung sa darating na December magaganap ang inyong kasal, palaging isaalang-alang ang mga petsang mapalad sa iyong dalawa (6, 15, 24, 7, 16, 25, 5, 14 at 23), kung saan humagilap din kayo ng petsa o araw na nakatapat ang buwan sa kanyang todong pagsikat (full moon) sa kanyang bagong liwanag (new moon) at sa kanyang papasikat at papalaking pagsilang (new moon), nang sa gayun, tulad ng buwan sa langit, kung paanong lumalaki at lumiliwanag, ganundin ang mangyayari sa itatayong pamilya — ito ay patuloy ding sasagana, lalago at mamunga ng panghabambuhay na ligaya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page