top of page
Search
  • BULGAR

Suwerteng numero, kulay at lotto outlet para sa bebot na baon sa utang

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | July 6, 2023




Dear Maestro,


Tulad ng iba, naisipan kong sumangguni sa iyo, Maestro, dahil gusto ko sanang humingi sa iyo ng masuwerte numero para makaahon na kami sa kahirapan. Baon na baon na kasi kami sa pagkakautang ngayon, dahil sabay-sabay na nag-aaral ang mga anak ko.


Ano ba ang aking masuwerteng numero, kulay, petsa at saang lotto outlet mapalad na tumaya? Sana matugunan n’yo ang kahilingan kong ito. October 15, 1979 ang birthday ko.

Umaasa,

Monique Galicia, Mendez, Cavite

Dear Monique,


Ang birth date mong 15 o 6 (ang 15 ay 1+5=6) sa destiny number na nagkataong 6 din (10+15+1979=2004/ 20+04=24/ 2+4=6) sa zodiac sign na Libra ang nagsasabing ikaw ay likas na mapalad sa lahat ng mga numerong may sumatotal na 3, 6 at 9, tulad ng 12, 21, 30, 39, 15, 24, 33, 42, 18, 27, 36, 45 at iba pang mga kauri nito.


Kung makikipagsapalaran ka, magsuot ka ng masuwerte mong kulay na pula, upang mas madali mong mahigop ang suwerte at magandang kapalaran. Secondary colors mo naman ang kulay na blue, purple, violet, lavender at lilac.


Bukod sa kulay na pula ikaw din ay likas na masuwerte sa batong opal at sa lahat ng hiyas na kulay pula na maaaring ipalamuti sa gintong singsing o kaya’y ipalawit sa kuwintas na nakadikit sa iyong balat.


Kusa namang iigting ang mabuting kapalaran mo mula sa ika-18 ng Enero hanggang sa ika-27 ng Pebrero, mula sa ika-18 ng Mayo hanggang sa ika-27 ng Hunyo at mula sa ika-18 ng Setyembre hanggang sa ika-30 ng Nobyembre.


Ayon sa pag-aanalisang tinuran, sa sandaling sinunod mo ang mga simpleng rekomendasyong nabanggit na sa itaas, sa taong 2024, sa edad mong 45 pataas, sa isang lotto outlet na malapit sa tindahan ng karne ng mga hayop o kaya’y malapit sa isang karenderya, habang “inlove ka” dahil kagagaling mo palang sa pakikipag-date, malaking halaga ng salapi ang iyong maibubulsa.



0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page