Suwerteng Buwan at Petsa sa may destiny no. na 7 at 3
- BULGAR
- Oct 25, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| October 25, 2021
Dear Maestro,
April 20, 1990 ang totoong birthday ko, pero April 20, 1995 ang ginagamit ko ngayon.
Ano ang mas magandang gamitin? Nais ko ring malaman kung ano ang aking masuwerteng kulay at araw, gayundin kung kailan ang aking significant years at mga paraan kung paano ako susuwertehin sa buhay.
Umaasa,
Ma. Lyn ng Hong Kong
Dear Ma. Lyn,
Kung ang totoong birthday mong April 20, 1990 ang iyong gagamtin, lumalabas na ikaw ay may birth date na 2 o 20, sa destiny number na 7, sa zodiac sign na nasa pagitan ng Aries at Taurus.
Paano nakuha ang destiny number mong 7? Ganito ang pagko-kompyut ang April 20, 1990 ay 4+20+1990=2014/ 20+14=34/ 3+4=7.
Kung April 20, 1995 naman ang gagamitin mo, ikaw ay may birth date na 20 o 2, sa destiny number na 3, sa zodiac sign na nasa pagitan ng Aries at Taurus.
Paano naman nakuha ang destiny number na 3? Ganito ang kompyutasyon, ang April 20, 1995 ay 4+20+1995=2019/ 20+19=39/ 3+9=12/ 1+2=3.
Ibig sabihin, anumang taon, 1990 o 1995 man ang gamitin mo, mananatili ang mapalad mong kulay na pula, asul at violet, habang ang pinakasuwerte mong buwan ay Mayo at Oktubre, gayundin ang Setyembre at Disyembre, habang hindi naman paborable sa iyo ang kapalaran sa tuwing sasapit ang mga buwan ng Pebrero at Agosto.
Hinggil naman sa iyong lagda, okey na ‘yan, baguhin mo na lang ang simula, kung saan imbes na sa “langit” o napakataas na simula inumpisahan ang pirma, umpisahan mo ito sa straight line at saka mo buuin ang unang letrang na parang “M” at saka idugtong ang dati nang mga letra.
‘Yung simula lang ng iyong lagda ang dapat mong baguhin dahil ang sobrang taas na simula ay nangangahulugang masyado kang nabubuhay sa pangarap at pantasya na malabo mo namang maipatupad.
Subalit kung sa gitnang bahagi ng papel sisimulan ang lagda at ito ay gagawing tuwid na guhit, tulad ng naipaliwanag na, makakatakas ka na sa sobrang mapangarap na buhay, hanggang sa unti-unti kang maging praktikal at maipatupad nang mabilis at mahusay ang anumang layunin at ambisyon mo sa buhay.
Samantala, ayon sa Decadens ng Kapalaran, ang significant at favorable years mo naman ay magaganap sa taong 2022, 2023 at 2024.
Ang pinakamapalad mo namang dapat maging kapareha sa buhay upang ikaw ay palarin at suwertehin sa buhay ay silang mga isinilang sa buwan ng Enero, Mayo, Hulyo, Setyembre, Oktubre at Nobyembre. Partikular silang mga isinilang noong Enero 8, 17, 26, 5, 14, 23, 9, 18 at 27, silang mga isinilang noong Mayo 1, 10, 19, 28, 5, 14 at 23, silang mga isinilang noong Hulyo 7, 16, 25, silang mga isinilang noong Setyembre 7, 16, 25, 5, 14, 23, silang mga isinilang noong Oktubre 6, 15, 24 at silang mga isinilang noong Nobyembre 2, 11, 20 at 29.
Kapag nakatagpo ka ng ganyang uri ng kapareha sa buhay, tiyak ang magaganap, tuloy-tuloy ka nang susuwertehin at tulad ng naipaliwanag na, magsisimula ang iyong magandang kapalaran sa taong 2022 sa edad mong 27 pataas.




Comments