top of page
Search
  • BULGAR

Suwerteng araw at petsa ng kasal para sa mag-dyowang Virgo at Taurus

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| July 27, 2021


Dear Maestro,


Kami na ba ng boyfriend ko ang magkakatuluyan at wala na bang magiging hadlang sa aming pagmamahalan? Tatlong taon na kasi kaming mag-on pero last year ay dumaan sa pagsubok ang aming samahan nang isang babae ang nagkagusto sa kanya at naging mag-MU sila nang hindi ko nalalaman. Buti na lang, inamin niya sa akin ito dahil nakonsensiya raw siya, kaya pinapili ko siya at pinili niya naman ako. Mula noon, wala na silang komunikasyon ng babaeng ‘yun.


Sa susunod na taon, balak na naming magpakasal, matutuloy ba ito, gayundin, anong buwan at petsa ang favorable sa amin para suwertehin ang papasukin naming pag-aasawa? August 23, 1994 ang birthday ko at May 16, 1993 naman ang boyfriend ko.


Umaasa,

Myles ng Libtong, Rosario, Cavite


Dear Myles,


Kung mayaman o sabihin na nating may kaya sa buhay ang boyfriend mo, tiyak na kayo na ang magkakatuluyan. Sapagkat ang mga babaeng Taong Singko kung ating tawagin, tulad nilang may bitbit na numerong 5, 14 at 23, ay kadalasang nakapag-aasawa ng mayaman o kung hindi man, kapag sila ay nakapag-asawa, saka sila yumayaman.


Sa kaso mo, dahil Virgo ang zodiac sign mo habang Taurus naman ang boyfriend mo, sadyang compatible kayo. Ibig sabihin, malaki ang pag-asa na kayo na ang magkakatuluyan, lalo na kung buwan ng Oktubre o Nobyembre ang anniversary ninyo o sabihin nating naging opisyal ang inyong relasyon.


Samakatuwid, bukod sa inyong zodiac sign period na Agosto hanggang Setyembre at Abril hanggang Mayo, ang isa pang favorable na buwan o panahon sa inyong dalawa ay ang buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre. Kaya kung nagbabalak kayong magpakasal sa taong 2022, ituon ang nasabing kasal sa nabanggit ng mga buwan, maaaring Mayo, Agosto, Setyembre, Oktubre o Nobyembre.


Piliin ang petsa kung saan nasa strong number category, tulad ng 1, 10, 19, 28, 9, 18, 27, 8, 17 at 26, upang maging favorable sa weak number na 16 o 7 ng boyfriend mo.


Paborable rin ang nasabing mga petsa sa ‘neutral number’ mong 23, kung saan bukod sa nasabing mga petsa sa nasabing kasal, puwede ring isaalang-alang ang sarili mong numero na 5, 14 at 23, upang mas maging lapitin naman ng pera o materyal na bagay ang inyong samahan.


Samantala, huwag ding kalilimutang ituon ang araw o petsa ng kasal ‘pag nasa full moon, new moon o first quarter ang buwan nang sa gayun, tulad ng papalaki at papabulas na liwanag ng buwan, maging papabulas din at papaunlad ang inyong itatayong samahan.


Ayon sa inyong Love Calendar, tulad ng iyong inaasahan, wala nang magiging hadlang pa sa inyong pagmamahalan. Sa darating na taong 2022, sa nasabing mga buwan, malaya at masaya na kayong makapagpapakasal at pagkatapos ay matatamasa ang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page