top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Suwerteng araw at kulay para sa lalaking NGSB

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 28, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | May 28, 2023

Dear Maestro,

Naisipan ko na sumangguni sa iyo, Maestro, upang itanong kung kailan kaya ako susuwertehin sa buhay? Binata pa rin ako hanggang ngayon at sa tingin ko ay wala akong suwerte pagdating sa aking lovelife at career. Ano ba ang dapat kong gawin upang ako ay suwertehin? May 6, 1997 ang birthday ko.

Umaasa,

Patrick ng Lolomboy, Bocaue, Bulacan

Dear Patrick,


Ang birthday mong May 6, 1997 ay nagsasabing ikaw ay under ng zodiac sign na Taurus na may ruling planet na Venus, ang iyong birth date na 6 ay nagkataon Venus, na nagtataglay ng destiny number 1, (naging 1 ang destiny number mo, dahil ang May 5, 1997 ay kinukumpyut ng ganito, 5+6+1997=2008/ 20+08=28/ 2+8=10/ 1+0=1) at ang numerong 1 ay nagtataglay ng ruling planet na Sun. Ibig sabihin, dalawang planeta ang kumokontrol sa iyong kapalaran. Ito ay ang planetang Venus at Sun.


Samantala, upang ika'y suwertehin sa buhay lalo na sa iyong career at love life, lagi kang magsuot ng kulay red na siyang kulay ng Planetang Venus. Puwede rin ang blue, violet, lavender, lilac, at iba kulay na hinango sa red at blue.


Mas madali mo ring maaakit ang suwerte kung ang nasabing kulay ay isusuot mo sa paborable mong petsang 6, 15, 24, 3, 12, 21 30, 9, 18 at 27, lalo na kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa araw ng Martes, Huwebes at Biyernes.


Bukod sa red at blue, maaari ka rin magsuot ka ng kulay yellow na siyang kulay ng numerong 1 na destiny number mo na may ruling planet na Sun.


Dagdag dito, mas madali mo ring maaakit ang suwerte at magagandang kapalaran kung ang kulay yellow ang isusuot mo sa paborableng petsang 2, 11, 20, 29, 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22, 31, 7, 16 at 25, higit lalo kung ang nasabing mga petsang ay natapat sa araw ng Lunes, Sabado at Linggo.


Ang pagsusuot ng lucky color sa tamang araw, ay mapapansin mo sa buwang ito ng Mayo, Hunyo at Hulyo, na gaganda ang takbo ng iyong career at love life. Susuwertehin at papalarin ka sa love life, ngayon taon din ito magkaka-girlfriend ka na, magkakaroon ng regular na trabaho, at habambuhay ka na ring uunlad at magiging maligaya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page