top of page
SHEET - MGA ARTISTANG NAG-EENDORSO NG ONLINE GAMBLING, ‘DI NAGLALARO-IG _ogie_diaz.jpg

Suspek sa pananagasa sa sekyu, malakas kuno ang ‘kapit’ kaya absuwelto?!

  • BULGAR
  • Jun 19, 2022
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 19, 2022


HINDI PATAS ANG BATAS–Noong 2020, isa ang 72-anyos na jeepney driver na si Elmer Cordero sa mga hinuli at ikinulong ng mga pulis sa Caloocan City sa kasong illegal assembly dahil nag-rally ang kanilang grupo nang walang permit.


Ang dahilan ng kanilang protesta ay ayaw silang payagan ng Land Transportation Franchise Regulatory Board (LTFRB) na pumasada sa kanilang ruta.


Samantala, noong June 5, 2022 naman ay binangga at sinadyang sinagasaan ni Jose Antonio San Vicente ng minamaneho niyang luxury car ang sekyung traffic enforcer na si Christian Floralde sa Mandaluyong City, pero sa kabila nang kanyang ginawa ay hindi siya hinuli at ikinulong ng mga awtoridad.


Si Lolo Elmer ay ‘poor’, kaya huli at kulong agad ang kanyang inabot, pero si San Vicente ay ‘rich’ kaya hindi niya naranasang makulong. Isa ‘yan sa patunay na hindi patas ang batas sa Pilipinas, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


SINO ANG PADRINO NI JOSE ANTONIO SAN VICENTE?–Noong kumalat sa social media ang pananagasa ni San Vicente kay Floralde at mag-viral ito sa social media, ang daming pulitiko ang umepal, pero nang humarap sa media at magpa-presscon ang driver na nanagasa, tumahimik na sa isyu ang mga epal na politicians.


Sobrang maimpluwensya yata ang padrino ni San Vicente kasi pati ang mga pulitiko na noong una’y galit na galit sa kanya ay biglang ‘natameme’ na ngayon, boom!


◘◘◘


HEALTH SEC. DUQUE, NAGPAPANSIN NA RIN KAY P-BBM–Sabi ni Health Sec. Francisco Duque III, na ang mapili sana ni Pres. elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na maging kalihin ng DOH ay may karanasan sa paglaban sa pandemya.


Hay naku, noong una, sabi ni Sec. Duque gusto na niyang magpahinga, tapos ngayon parang nagpapansin siya kay P-BBM, he-he-he!


◘◘◘


P-DUTERTE, BIGO SA PAGLABAN SA MGA ILEGALISTA–Patapos na ang termino ni P-Duterte ngayong June 30, 2022, pero kahit isang smuggler at gambling lords ay walang naipakulong ang kanyang pamahalaan.


Patunay ‘yan na bigo ang gobyernong Duterte sa paglaban sa mga ilegalista sa bansa, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page