top of page
SPECIAL - MARIEL, SWAK DAW KAY SEN. ROBIN DAHIL PAREHONG BOBO-IG _marieltpadilla.jpg

Suspek sa pagpatay sa OFW, tumalon sa tulay, tigok

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | August 10, 2026



Dating OFW tumalon sa Atugan Bridge sa Impasug-ong, Bukidnon - NITIBO Vlog Circulated


Natapos ang isang linggong pagtugis ng mga awtoridad sa pangunahing suspek sa pagpatay sa isang dating overseas Filipino worker (OFW) matapos itong tumalon mula sa Atugan Bridge sa Impasug-ong, Bukidnon noong Sabado ng gabi, Agosto 8.


Kinilala ang suspek na si alyas Melvin, 34, na idineklarang dead- on-arrival sa isang lokal na pagamutan matapos siyang marekober sa bangin na tinatayang nasa 65 metro ang lalim sa isa sa pinakamataas na tulay sa bansa.


Si "Melvin" ang itinuturong pangunahing suspek sa pagpatay sa isang babae na dating OFW, na natagpuang naaagnas na sa isang taniman ng pinya sa bayan ng Libona noong Agosto 3.


Ayon kay Police Capt. Keir JhonHallasgo, nagsasagawa ng traffic control ang mga tauhan ng Revitalized Police sa Brgy. RPSB sa Atugan Bridge sa Brgy. Capitan Bayong alas-6:20 ng gabi nang ipagbigay-alam ng isang motorista na may lalaking ipinarada ang kanyang motor at biglang tumalon mula sa tulay.


Patuloy pa rin ang imbestigasyon kaugnay ng kaso ng pagpatay sa dating OFW.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page