top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Survey ng Pulse Asia na may ‘high rating’ si P-Digong, pinagtawanan lang ng madlang pipol!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 6, 2020
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 6, 2020



NAGMISTULANG COMEDY ANG SURVEY NG PULSE ASIA — Sa social media, ang daming “haha” reaction ng netizens kaysa sa “like” at “love” reactions na ibig sabihin, naghagalpakan sa tawa ang mamamayan dahil nagmistulang comedy ang survey ng Pulse Asia sa high rating na ibinigay nito kay P-Duterte.

Mantakin ninyo naman, ang tagal nanahimik ang Pulse Asia, tagal na hindi nagparamdam, tapos nang lumitaw, mambuwisit lang pala, ha-ha-ha!

◘◘◘

PARANG SINABIHAN NG DEPED ANG MGA GURO NA BAHALA NA SILA SA BUHAY NILA — Naglabas ng memorandum ang Department of Education (DepEd) na nagbabawal sa mga titser ng bayan na magreklamo na may kaugnayan sa mga kakulangan ng DepEd ngayon start na ang no face-to-face classes.

Kumbaga, parang sinabihan na rin ng DepEd ang mga guro na anumang problemang kanilang kaharapin sa pagtuturo sa gitna ng COVID-19 pandemic ay bahala na sila sa buhay nila, ngek!

◘◘◘

BAKA ANG AKALA NG PULSE ASIA, CONTEST ANG COVID-19 PANDEMIC — Ang Pilipinas ang no. 1 sa Southeast Asia at pasok sa Top 20 sa buong mundo na may pinakamaraming tinamaan ng COVID-19, libu-libong Pinoy na ang namatay sa coronavirus at may pinakamahabang lockdown pa, tapos sa survey ng Pulse Asia, bininigyan nila ng markang 91% trust at performance rating si P-Duterte.

Baka ang akala ng Pulse Asia, paligsahan ng may pinakamaraming tinamaan ng virus ang COVID-19 pandemic kaya high rating marka nila kay P-Duterte, boom!

◘◘◘

NAGPAPAKALAT NG FAKE NEWS ANG GISAHIN, HUWAG ANG FACEBOOK — Para kay Political Analyst Ramon Casiple, mali ang deskarte ni Sen. Roland “Bato” dela Rosa na imbestigahan sa Senado ang Facebook dahil sa pagtanggal sa mga DDS, military, police at China-based Duterte supporters accounts na kaya tinanggal sa social media ay dahil sa isyung nagpapakalat ng fake news.

Payo ni Casiple, ang mga nagpapakalat ng fake news sa social media ang dapat gisahin ni Dela Rosa sa senado, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page