top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Survey, gamit na gamit sa panloloko sa mga botante, tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 14, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | June 14, 2023



TAGAL PA NG PRESIDENTIAL ELECTION SA MAY 2028, PERO NGAYON PA LANG MAY MGA ATAT NA ATAT NANG MAGING PRESIDENTE SI VP SARA -- Halos limang taon pa bago magkaroon ng presidential elections uli sa Pilipinas sa May 2028, pero ngayon pa lang ay naglalabas na ng survey ang SWS na kesyo si Vice President, Department of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte raw ang nais ng majority Pinoys na maging next president kapalit ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na matatapos ang termino sa June 30, 2028.


Hay naku, ang tagal pa ng eleksyon, pero ipinakikita ng survey na ito na ‘yung mga taong nagbayad o nagpa-commissioned sa SWS, ay atat na atat nang maging presidente si Sara Duterte-Carpio, tsk!


◘◘◘


MALAKI ANG NAITUTULONG NG MGA SURVEY FIRMS PARA PAPANIWALAIN ANG MGA BOBO-TANTE NA MALAKAS NA KANDIDATO ANG ISANG PULITIKO -- Sa totoo lang, malaki ang naitutulong ng mga bayarang survey firm para maipanalo sa eleksyon ang pulitiko.


Likas na kasi sa mga mangmang na botante ang naniniwala sa mga survey, na kung sino ang nagta-top sa survey ay ‘yun ang ibinoboto ng mga bobo-tante, boom!


◘◘◘


AGRI-INDUSTRY HINDI MAGAWA NI P-BBM NA MAPAUNLAD TAPOS AYAW PA NIYANG BITAWAN ANG PAGIGING HEAD NG DA -- Tapos na ang 1-year ban sa mga natalong kandidato last election kaya’t may mga talunang pulitiko ang binibigyan na ni P-BBM ng puwesto sa pamahalaan, pero kapuna-puna na hanggang ngayon ay wala pa ring itinatalaga ang Presidente para sa napaka-importanteng posisyong agriculture secretary kasi siya (P-BBM) pa rin ang umaaktong head ng Dept. of Agriculture (DA).


Oks lang sana na maging acting DA secretary si P-BBM kung nagagawa niyang suportahan ang mga magsasaka at mangingisda para mapaunlad ang agricultural industry sa Pilipinas upang mapababa ang presyo, pero hindi niya nagagawa, at ang masaklap sa panahong ang Presidente ang head ng DA, laging nagkakaroon ng kakapusan sa supply ng bigas, gulay, karne at isda kaya’t ubod ng mahal ang presyo ng mga panindang ito sa merkado, tsk!


◘◘◘


P-BBM WALANG AKSYON LABAN SA MGA AGRI-SMUGGLERS SA ‘PINAS -- Ang isa pa sa hindi kagandahan sa pagiging acting DA secretary ni P-BBM ay ang kawalan ng aksyon niya para sampahan ng kaso at ipakulong ng kanyang admninistrasyon ang mga agri-smugglers sa bansa.


Mismong ang ate nga ng Presidente, na si Sen. Imee Marcos ay nagtataka kung bakit masyadong mabait si P-BBM sa mga agri-smugglers na sina "Leah Cruz," "Michael Yang," "David Bangayan," "Paul Teves." "Manuel Tan, " "Andrew Chang," "Jun Diamante," "Lujene Ang," "Beverly Peres," "Lucio Lim" alyas "Aaron" at "Michael Mam," period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page