Surrogacy hub ni-raid, 15 nanay na-rescue
- BULGAR

- Jun 13
- 1 min read
ni Gina Pleñago @News | June 13, 2026

Photo: DTI-PH
Nasagip ang 15 surrogate mother habang tatlo ang nahuli sa surrogacy hub nang salakayin ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-Human Trafficking Division ang dalawang pasilidad na nagsisilbing surrogacy hubs sa Porac, Pampanga noong Hunyo 10.
Nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng isang surrogate mother laban sa House of Surrogacy PH na sinasamantala umano ang mga kakabaihang salat sa pera. Sinasabing isang mapanlinlang na kasunduan umano ang pinapipirmahan sa mga biktima para ipagbuntis ang anak ng adoptive parents at kabilang din ang birth certificates ng mga sanggol ay nilalagyan ng pinalsipikang detalye.
Sa beripikasyon sa Department of Health, nakumpirma na hindi lisensyado o accredited ang HOS PH bilang healthcare facility.
Sa pakikipag-ugnayan sa NBI-Central Luzon Regional Office (NBI-CELRO) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Porac, Pampanga, isinagawa ang magkasabay na operasyon sa dalawang pasilidad ng HOS PH at nadatnan ang 15 surrogate mothers.
Inaresto naman ang tatlong indibidwal na nagpapatakbo o namamahala ng dalawang pasilidad.
Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na hindi dapat ituring na kalakal ang sinumang indibidwal o pagsamantalahan ang kalagayan at kahirapan sa buhay.





Comments