20% discount at VAT exemption sa senior, ibigay kahit may promo

ni Mervin Reyes @News | October 20, 2026

Photo: Senior Citizens Partylist - Cong. Ompong Ordanes - FB
Dapat pa ring ipagkaloob ang 20% diskwento at VAT exemption sa mga senior citizen kahit may promo sale sa isang establisimyento.
Ayon kay Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes, ang mga promo sale ay inilaan para sa pangkalahatang publiko kaya hindi ito dapat gawing dahilan ng mga negosyo upang ipagkait sa mga nakatatanda ang mga benepisyong nakasaad sa batas.
Dahil dito, inihain ng mambabatas ang House Bill No. 428 upang matiyak na magagamit pa rin ng mga senior at persons with disabilities (PWDs) ang kanilang nakatakdang diskwento at VAT exemption kasabay ng iba pang promotional offer.
Hinimok din ni Ordanes ang Korte Suprema na magbigay ng malinaw na paliwanag hinggil sa usapin upang maiwasan ang maling interpretasyon at pagpapatupad ng mga negosyo sa mga benepisyong ito.





Comments