Surprise sana sa misis… MOMMY DIVINE, INIMBITA NI MATTEO SA B-DAY NI SARAH, DEDMA
- BULGAR

- Jul 29, 2024
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 29, 2024

Matigas pa rin ang loob ng Mommy Divine ni Sarah Geronimo dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap at mapatawad si Matteo Guidicelli na minahal at pinakasalan ng kanyang anak.
Apat na taon nang mag-asawa sina Sarah at Matteo, pero hindi pa rin makapagpatawad si Mommy Divine.
Natiis niyang hindi dumalo sa 36th birthday ni Sarah nu’ng July 25 kahit na tumawag at nag-text sa kanya si Matteo.
Sey ni Matteo, hindi raw sinasagot ni Mommy Divine ang tawag niya at hindi rin nagre-reply sa kanyang text kahit ilang beses siyang nag-message.
Naging masaya sana ang kaarawan ni Sarah kung nakasama niya ang kanyang mom.
Ganunpaman, hindi tumitigil sa panunuyo at paghingi ng tawad si Sarah sa kanyang ina. Idinarasal na lang ng Popstar Royalty na isang araw ay lumambot din ang puso ni Mommy Divine.
Well, nagpapasalamat si Sarah na naririyan lagi ang kanyang mister na si Matteo na naging karamay niya at nagbibigay sa kanya ng moral support.
Pansin naman ng mga netizens ay may lungkot lagi sa mukha ni Sarah Geronimo dahil hindi matanggap ni Mommy Divine ang kanyang mister na si Matteo Guidicelli.
Sorry ka na lang, VG Marc…
KRIS, SUPER IN LOVE, KILIG NA KILIG SA BAGONG DYOWANG DOKTOR

Simula nang mabalitang may bagong pag-ibig na si Kris Aquino na isang doctor, marami ang nagkainteres na malaman ang hitsura at pangalan nito.
Sigurado na guwapo ang nasabing doctor dahil puro guwapo ang nakakarelasyon ni ''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''' /. Kris at halatang kilig na kilig siya habang inaamin ito sa huling panayam sa kanya ni Ogie Diaz.
Marami ang nagtatanong kung papaano sila nagkakilala at kailan daw isasapubliko ni Krissy ang bago niyang inspirasyon ngayon.
But knowing Kris, hindi rin siya makakatiis na hindi ipaalam sa lahat ang katauhan ng kanyang dyowa, tulad kina James Yap at Joey Marquez noon.
Updated ang mundo ng showbiz sa latest na kaganapan sa love life ni Kris. Ibinibigay niya kasi ang lahat ng impormasyon na gustong malaman ng lahat.
For sure, one of these days ay unti-unti nang ipasisilip ni Kris Aquino ang misteryoso niyang boyfriend. Payag naman ang mga fans ni Krissy na isang doctor ang makarelasyon niya upang maalagaan siya dahil sa kanyang sakit.
May mairampa lang…
SANYA, BUMILI NG P2M CAR PARA SA GMA GALA

ANG bongga naman ng Kapuso actress na si Sanya Lopez dahil isang luxury car ang kanyang binili upang gamitin sa kanyang pagdalo sa ginanap na GMA Gala 2024.
Worth P2 million ang binili niyang luxury car at regalo raw niya ito sa sarili kapalit ng pagod at puyat kapag may show siyang tinatanggap.
Napakasipag at dedicated sa kanyang trabaho si Sanya, kaya nakapagpundar na rin siya ng sarili niyang bahay. Priority ni Sanya ang kanyang career, hindi ang love life.
Grateful siya sa GMA Network na nagtiwala sa kanyang kakayahan at talento. Kasama ngayon si Sanya Lopez sa major cast ng historical series na Pulang Araw na nagsisimula nang mapanood sa GMA Primetime. Bibida rito sina Alden Richards, Barbie Forteza, David Licauco atbp. big
stars.
MARAMING viewers ng Black Rider (BR) ang nabitin sa ending ng action serye na pinagbibidahan ni Ruru Madrid kasama sina Raymond Bagatsing, Raymart Santiago, Matteo Guidicelli, Rio Locsin, Roi Vinzons, Gladys Reyes, Gary Estrada, Yassi Pressman, Herlene Budol, atbp..
Sana raw ay na-extend pa ang BR kahit one month dahil gumanda na ang kuwento nang pumasok ang ilang characters tulad nina Katrina Halili, Phillip Salvador, Michelle Dee at isang Korean actor na si Kim Ji Soo.
Ganunpaman, mukhang may part 2 ang BR base sa mga eksena nang magwakas. Buhay pa kasi ang character ni Calvin (Jon Lucas), ang main kontrabida sa istorya.
Tiyak na mas malalaking artists ang makakasama ni Ruru Madrid sa muling pagbabalik ng BR.
Sina Richard Arellano at Romel Penesa ang tiyak na magdidirehe nitong Black Rider 2.








Comments