Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
ni Lolet Abania | July 17, 2022

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang bahagi ng Caraga region sa eastern Mindanao ngayong Linggo.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang epicenter ng lindol sa silangang bahagi sa bayan ng Barobo sa lalawigan ng Surigao del Sur.
Naiulat naman ang pagyanig na tectonic ang pinagmulan habang tumama ito ng alas-12:04 ng hapon, sabi ng PHIVOLCS.
Sa report ng ahensiya, naramdaman ang Intensity IV o moderately strong temblors sa Rosario, Agusan del Sur.
Wala namang inaasahang aftershocks at mga pinsala ang naitala matapos ang lindol, batay sa bulletin ng ahensiya.





Comments