Supply ng baboy, pahirapan dahil sa ASF
- BULGAR

- Sep 24, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | September 24, 2020

Dalawang libong baboy sa anim na probinsiya ang matinding naapektuhan ng pagkalat ng African swine fever (ASF) sa bansa, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sa Laging Handa briefing, iniulat ni Agriculture Sec. William Dar na na-monitor ang outbreaks sa mga lalawigan ng Albay, Laguna, Quirino, Batangas, Quezon at Cavite.
Ayon sa datos ng DA noong July 31, umabot sa kabuuang 316,637 hayop ang nakuhang maysakit sa 28 probinsiya, siyam na rehiyon, 262 siyudad at munisipalidad at 1,119 barangay.
“Ang mga kawani ng Kagawaran ng Pagsasaka ay nandiyan in partnership with the local government units na nag-i-implement ng elevated quarantine measures,” sabi ni Dar.
Gayunman, upang mapigilan ang pagkalat ng ASF, nagpatupad ang pamahalaan ng mahigpit na protocols sa mga pork products at mga inaalagaang baboy, gayundin, nagsasagawa ng surveillance, quarantine, culling at estratehiya para mapigilan ang pagkalat nito sa mga lugar na nakitaan ng nasabing sakit sa baboy.
Magbibigay din ang DA ng P5,000 kabayaran kada baboy sa mga hog raisers na magsu-surrender ng kanilang alaga para magsagawa ng culling. Subali't dahil sa problema sa ASF, inaasahan ng DA na magkakaroon ng 31-araw na shortage sa supply ng baboy matapos ang taon.
Samantala, ayon sa awtoridad, ang ASF ay hindi nakahahawa sa tao.





Comments