top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Suporta sa mga Pinoy na gustong mag-business

Writer: BULGAR
BULGAR
May 27, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | May 27, 2023


Karamihan sa mga Pilipino ay interesado na magsimula ng kanilang sariling negosyo at nakikita ang mentorship bilang isang mahalagang hakbang para sa maliliit na negosyante, ayon sa isang survey na isinagawa ng OCTA Research.


Ayon sa OCTA, 78% ng mga respondent ay pipiliin na magsimula ng sariling negosyo sa mga sumusunod na dahilan– kakayahang pamahalaan ang kanilang sariling oras/iskedyul (31%), walang boss na makakasama (30 %), walang profit limit/mas mataas na suweldo (16 %), araw-araw na kita/pera (12%), at ang kakayahang magtrabaho/matuto mula sa bahay o kahit saan pa (11%).

Napag-alaman din na mukhang mas bukas ang mga Pilipino sa entrepreneurship na pinatunayan ng mataas na awareness rating ng non-profit na Go Negosyo, na nagtataguyod ng micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa Pilipinas.


Higit pa rito, natuklasan ng survey na ang mga respondent ay may mataas na antas ng kamalayan sa kung ano ang ginagawa ng non-profit.


Gayunman, ang OCTA Tugon ng Masa survey ay isinagawa mula Marso 24 hanggang Marso 28 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents sa buong bansa.


Ang survey ay may margin of error na +/-3% sa national percentage at +/-6% para sa Metro Manila, Luzon, Visayas, at Mindanao.


Sa hirap ng buhay ngayon, karamihan sa mga Pinoy ay naghahangad ng mas malaking kita.


Sa tulong ng Go Negosyo, maraming Pilipino ang matutulungan nito, lalo na ang mga nagbabalak magnegosyo, dahil totoo namang karamihan sa atin ay mas gusto na hawak ang sariling schedule o oras habang kumikita.


Mas mabuti rin na mabigyan ng pagkakataon ang mamamayan na magkaroon ng kaalaman sa magandang pagpapatakbo ng negosyo.


Kaya naman, hangad ng inyong lingkod na maging matagumpay ang negosyo ng bawat mamamayang Pilipino, gayundin ang mga mag-uumpisa pa lang magnegosyo.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page