top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Suporta sa 2023 FIBA World Cup na gaganapin sa 'Pinas!

  • BULGAR
  • Sep 8, 2022
  • 2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | September 8, 2022


Co-host ang Pilipinas kasama ng Japan at Indonesia ng 2023 FIBA World Cup na idaraos ng August 25 hanggang September 10.


Ang venue ng mga laro sa bansa ay Smart Araneta Coliseum sa Quezon City, the Mall of Asia Arena sa Pasay City at Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.


Hindi tayo maaaring mapahiya sa hosting na ito, kaya’t bagama't private sector ang nangunguna sa paghahanda, kailangang umaksyon pa rin ang pamahalaan nang masigurong may kapasidad ang bansa na tanggapin ang potensyal na pagdagsa ng mga turista.


Halimbawa, mainam na oportunidad ang dala ng FIBA World Cup para mai-showcase ng Department of Tourism ang ating mga tourist destinations.


Umaasa tayong makikipag-partner ang DOT sa private sector para samantalahin ang pagkakataon. Makipag-ugnayan na sana sila ngayon pa lang sa mga hotel, tour operator, travel agency, para sa mga promo packages at iba pang incentives na maghihikayat ng mga turista.


Puwede na ring mag-set-up ng information desk sa mga hotel at airport.


☻☻☻


Baka kailangan din na bumuo ng inter-agency council para suportahan ang pagsisikap ng private sector.

Kailangang planuhin at paghandaan ng DOT, kasama ang Department of Transportation at iba pang ahensya, ang anumang isyu na maaaring umusbong.


Kailangang ihanda rin ang mga airport, toll, bus/shuttle at gumawa ng balangkas para maiwasan ang matinding trapiko sa mga ruta papunta sa game venues at para hindi mahirapan ang mga manonood ng mga laro.


☻☻☻


Pagkatapos ng ilang taong pagkabagsak dahil sa pandemya, ang 2023 FIBA World Cup ay pagkakataong hindi natin dapat sayangin para ipakitang tayo’y muli nang bumabangon at handang itanghal ang napakaganda nating bansa.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page