Superstar, madali raw kausap… NORA, PUMAYAG GUMANAP NA MADIR NI DR. WILLIE ONG

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 10, 2020

Abut-abot ang pasasalamat ni Dr. Willie Ong sa Superstar na si Nora Aunor dahil sa pagpayag na mag-guest sa kanyang film bio, ang The Life Story of Dr. Willie Ong. Si Nora Aunor ang gumanap bilang ina ni Dr. Willie Ong.
Si Ronnie Ricketts ang direktor at co-producer ng nasabing pelikula. Si Hero Angeles ang gumanap na young Dr. Willie Ong na nagsimula bilang medical clerk at nagsikap na makapagtapos ng medisina.
Saludo si Dr. Willie Ong at ang kanyang maybahay na si Dra. Liza Ong kay Aunor dahil napakabait, humble at low profile. Hindi mo aakalain na isa siyang Superstar.
Samantala, kahit abala sa kanilang pagba-vlog sina Doc Willie at Dra. Liza Ong, patuloy pa rin ang kanilang mga charity projects. Umiikot sila sa mahihirap na barangay at namimigay ng bigas sa mga nangangailangan.
Nagbibigay din sila ng libreng health advise sa mga maysakit na humihingi sa kanila ng tulong!





Comments