top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Superstar, habang tumatanda… NORA, IKINUMPARA NI DIREK JOEL SA ALAK

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 26, 2020
2 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | November 26, 2020




Kabilang ang Isa Pang Bahaghari sa 10 entries sa 2020 Metro Manila Film Festival na dahil sa pandemic, online mapapanood this year ang mga entries via Upstream. Ang kaigihan, P250.000 lang ang bayad for you to watch the MMFF entries at buong pamilya pa ang makakapanood.


May comment si Director Joel Lamangan, direktor ng pelikulang produced ng Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista. Gusto pa rin daw niyang sa mga sinehan manood ng pelikula. “Hanap ko ang dilim ng teatro. Ngayon lang ako makaka-experience ng online, sana magbalik na ang pelikula sa mga sinehan.”


Si Harlene naman, excited nang mapanood ng mga moviegoers ang Isa Pang Bahaghari na ayon kay Direk Joel ay love story ng mga may-edad at ipakikita ang true love sa mga bading.


Sa tanong kung kumusta si Nora Aunor sa pelikulang ito, “Si Nora, kailanman, hindi naluluma, parati siyang bago at para siyang wine na habang tumatanda, mas humuhusay.

Ito rin ang muling pagsasama nina Nora at Phillip (Salvador) at dito, makikita ang kahusayan nina Nora, Phillip at Michael de Mesa.


"Ensemble acting ito at mahusay din sina Sanya (Lopez), Zanjoe (Marudo), at Joseph (Marco). Blending ito ng old and new stars na pare-parehong magagaling,” pagmamalaki ni Direk Joel sa kanyang cast.


Si Harlene ang producer nito at mahusay siyang producer dahil hindi lang pera ang ibinibigay sa mga artista, kundi magandang pelikula rin.


Kasama rin sa cast ng Isa Pang Bahaghari sina Maris Racal at Albie Casiño na gaganap na young Nora and young Phillip. Narito rin sina Lloyd Samartino, Fanny Serrano at iba pa.


Tamang-tama na napasama sa MMFF ang Isa Pang Bahaghari na mapapanood simula December 25 dahil by that time, airing na rin at nagbabalik-telebisyon ang Afternoon Prime ng GMA-7 na Bilangin ang Bituin sa Langit.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page