top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Super-sosyal, trying hard magpaka-masa…

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 27, 2021
1 min read

HEART, INILAGAY SA BRANDED BAG ANG PANSIT CANTON, TINAWAG NA OA AT MAARTE NG NETIZENS

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | January 27, 2021




Trending na naman ngayon si Heart Evangelista dahil sa bago niyang endorsement ng pang-masang pansit canton.


Ang siste, maraming nag-react sa commercial ni Heart dahil napaka-trying hard daw ng ginawang style ng kumpanya ng pansit canton para iangat ang 'image' ng kanilang produkto at palabasing hindi lang ito pang-masa kundi pang-mayaman din.


Sa commercial, makikita si Heart na bumababa ng hagdan dala ang kanyang branded bag at inilabas mula roon ang pakete ng pansit canton na kanyang lulutuin.


Napakasosyal ng porma ni Heart na magluluto lang pala ng pansit canton. At para maging pang-sosyal din ang dating ng produkto ay ginawa itong pizza ni Heart.


May mga netizens ang nagkagusto sa commercial pero may mga nag-react ding ang arte-arte talaga ni Heart at napaka-hard sell nga raw ng konsepto ng naturang commercial.


Yes, may ganern!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page