top of page

Super happy daw sa bagong BF na lawyer, Marco… CRISTINE: IBA ANG FEELING ‘PAG NASA TAMANG TAO KA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 18
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | October 18, 2025



/FB Yassi Pressman & Coco Martin

Photo: FB Cristine Reyes



Spotted uli si Cristine Reyes at ang rumored boyfriend nitong lawyer na si Gio Tingson sa book launching ni Pia Acevedo ng Moment to Moment sa Shangri-La sa Taguig City. 


Nakita ng mga um-attend sa book launch na holding hands sila, pagkumpirma na sila na nga.


Sa sagot ni Cristine sa interview ng ABS-CBN, kinumpirma na rin nito ang kanilang relasyon ni Gio Tingson.


“Very, very happy. Super happy,” ang sagot nang tanungin sa kanyang love life. 

“It’s different. You know when you’re with the right person,” dagdag pa nito.


May portion sa book launch na nagbasa si Cristine Reyes at ang ibang guest ng excerpt from the book.



Pinagpala raw talaga…

MARIAN, MUKHA NANG AI SA SOBRANG GANDA



Ang hirap pasayahin ng mga bashers ni Marian Rivera. Pinag-uusapan lang kung gaano kaganda ang Kapuso Primetime Queen nang rumampa sa bridal show ng Hacchic Couture sa Vietnam, may mga sumingit na comments kung nagsalita na ba ang aktres sa nangyayaring korupsiyon sa bansa natin.


Hindi si Marian ang sumagot sa tanong ng mga bashers, kundi ang mga fans nito. Nagpahayag na raw tungkol sa korupsiyon ang aktres nang tanggapin ang award for Best Actress para sa pelikula niyang Balota.


Itinuro rin ng mga supporters ni Marian ang mga bashers nito na i-check ang Facebook (FB) ng aktres dahil may mga posts siya tungkol dito. Dapat daw, nag-check muna bago mag-post, napapahiya tuloy ang mga bashers.


Kasi naman, ang ganda ng usapan kung paano pinuri si Marian at ang ganda nito sa nasabing event, tapos iibahin ang topic.


Well, may mga nagtanong tuloy kung legit na reels o photos ni Marian ba ang lumabas at hindi AI (artificial intelligence) dahil nga sa ganda. 


May tumawag pa nga sa kanyang “Ethereal Beauty,” “Diyosa,” “Reyna ang datingan,” “Gandang pinagpala,” at kung anu-ano pa. 


Pero sa comment na, “Lahat ng ito, para lang kay Dingdong (Dantes)” kami natawa.



NATUWA si Billy Crawford at ang ibang coaches ng The Voice Kids (TVK) nang manalong Best Adaptation of an Existing Format (Non-Scripted) sa Asian Academy Creative Awards.


Aniya, “S’yempre natuwa kami, just to be recognized anywhere, it’s definitely a group effort and blessings. Thank you, guys!”


Sa tanong kung ano’ng musical genre o style ng contestant ang nagpapalingon sa kanya, sagot niya, “Anything that’s with the soul, anything soulfully sang, ‘yun ‘yung what makes me turn. Just because nahuhuli nila ‘yung soul din ng isang tao.”


Nabanggit ni Billy na walang paghahanda sa part niya o sa part ng mga kasamang coaches kapag nagde-decide sila to eliminate ang mga ‘di nila napipiling talents.


“You cannot emotionally prepare for it, you can’t literally be prepared and also prepare the kids in advance because in life gusto ko lang ituro rin sa mga kabataan na it’s not all sunshine, rainbows and birds and all the beautiful things na inaasam natin. 


“Sometimes we go home with defeat, pero we should learn from it and trust the process,” pahayag niya.

Tama ka d’yan, Billy!



Piktyur, kumalat… 

AMERICAN TV HOST CONAN O’BRIEN, SINIPA NI JENNYLYN


GUEST sa Sanggang Dikit FR (SDFR) ang American TV host na si Conan O’Brien at nag-taping na ito kasama sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Surprise ang role nito, panoorin na lang daw sa mga darating na episodes.


Parang mag-a-action ang American TV host dahil may behind-the-scenes photo na sinipa siya nina Jennylyn at Dennis, hinuli at pinosasan siya. 


Tanong ng mga fans, magkano raw kaya ang talent fee (TF) ni Conan sa guesting niya?

Naaliw lang kami sa mga comments na ‘yung suot daw na polo ni Conan ay kapareho ng kumot nila, kaya we did a second look at totoo nga. Nauso ang ganitong print sa kumot, different colors pa nga, kaya mas ‘kaaliw magbasa ng mga comments.


Still on Conan O’Brien, binati nito si Michael V. at ang Bubble Gang (BG) sa 30th anniversary ng gag show. Ang ganda ng message nito, para silang close at ‘Bitoy’ ang tawag kay Michael V.. 

Sabi nito, “Let’s make it to 50.”


Napa-comment tuloy si Bitoy ng “OMG! This EPIC video greets BBL Gang’s 30th anniversary! Thank you so much Conan O’Brien for this! It’s ABUNDANT! That means ‘a lot’!”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page