top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Suntok sa buwan na bababa ang presyo ng bilihin at bayarin next month

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 11, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Pebrero 11, 2023


KUNG ANG CONFIDENTIAL FUNDS NINA P-BBM AT VP SARA ANG IPINAMPAGAWA NG MGA KLASRUM, SOLB NA ANG KAKULANGAN NG SILID-ARALAN—Base sa datos ng Department of Education (DepEd), kulang ng higit 91,000 classrooms ang mga paaralan sa buong bansa.


Sa totoo lang, kung ang P4.5 billion confidential funds ni President Bongbong Marcos at P650 million confidential funds ni Vice President Sara Duterte ay inilaan sa pampagawa ng mga klasrum, solved na sana ang problema sa kakapusan ng mga silid-aralan sa bansa.


Ang problema, mas ginusto nina P-BBM at VP Sara na mapunta sa kanilang mga tanggapan ang sangkaterbang pera ng bayan bilang confidential funds kaysa ipampagawa ng mga klasrum. Tsk!


◘◘◘


KAKAANUNSYO LANG NA TUMAAS ANG INFLATION RATE, NAGTAAS NA NAMAN NG PRESYO NG BILIHIN ANG DTI—Katatapos lang i-announce ng Philippine Statistics Authority (PSA) na pumalo na sa 8.7% ang inflation rate sa bansa, sinundan agad ito ng announcement ng Department of Trade and Industry (DTI) na inaprubahan nila ang taas-presyo ng sardinas, instant noodles, tinapay, kape, gatas, sabon at iba pang produkto.


Dahil d’yan, suntok sa buwan ang sinabi ni P-BBM na next month ay bababa na ang presyo ng mga bilihin at bayarin, period!


◘◘◘


MAPANUMBAT PALA SI REVILLAME—Mali ang ginawa noon nina comedian-TV host Willie Revillame at former Presidential spokesman Harry Roque nang gawin nilang katatawanan sa programang ‘Tutok To Win’ ang pagkatanggal ng prangkisa ng ABS-CBN, kaya nang mabalitang matitigbak na ang TV program ni Willie sa ALLTV ay marami rin ang natuwa at hindi ito nagustuhan ng TV host, kaya isinumbat niya ang mga naitulong niya sa kapwa.


Kaya panawagan natin sa mga contestant na nagwagi sa pa-contest sa programang ‘Wowowin’ ni Revillame, kahit may makita kayong mali o palpak na nagawa ng TV host na ito ay ‘wag na ‘wag n’yong pupunahin dahil baka pati ‘yung premyo na inyong napanalunan ay isumbat niya. Boom!


◘◘◘


SA NGAYON AY LIBRE, PERO KAPAG PRIVATE NA ANG NAMAHALA SA PGH-CANCER CENTER, MAY BAYAD NA R’YAN—Malungkot na balita sa mahihirap nating kababayan ang pag-aprub ni P-BBM sa hirit ng National Economic Development Administration (NEDA) na isailalim sa Private-Public-Partnership (PPP) ang Cancer Center sa Philippine General Hospital (PGH).


Sa ngayon kasi ay libreng magpagamot sa PGH-Cancer Center ang mahihirap nating kababayan, pero kapag pribadong kumpanya na ang namahala r’yan, may bayad na ang pagpapagamot d’yan. Tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page