Sundalo, patay, 5 sugatan sa pagsabog sa Northern Samar
ni Lolet Abania | July 19, 2022

Patay ang isang miyembro ng Philippine Army habang limang iba pa ang nasugatan matapos na sumabog ang isang anti-personnel mines sa Catubig, Northern Samar ngayong Martes.
Sa isang statement, ayon kay 20th Infantry Battalion (20IB) acting spokesperson Second Lieutenant Joyce Ann Bayron, alas-9:25 ng umaga, nagsasagawa ang Community Support Program (CSP) teams ng battalion ng isang combat patrol sa Barangay Osang nang sumabog ang mines.
Agad na dinala ang mga biktima sa Visayas Regional Medical Center.
Isa ang Barangay Osang sa mga recipients ng P20-million Support to Barangay Development Program for 2021 ng gobyerno.
Inakusahan naman ng militar ang New People’s Army (NPA) na nasa likod ng pagsabog na anila, gumamit din ang mga ito ng anti-personnel landmines laban sa CSP teams sa bayan ng Las Navas sa nasabing lalawigan noong Abril 3, na ikinasawi ng dalawang pulis at apat na Army at PNP personnel.
Ayon pa sa militar, isang explosion umano ang ginawa ng mga rebelde na nagresulta rin sa pagkasugat ng pitong Army personnel sa bayan ng Mapanas noong Hulyo 5.





Comments