top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Sumuko, tumaas ang BP... Ex-DPWH Sec. Bonoan, naka-hospital arrest

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 2
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | June 2, 2026





Sumuko, tumaas ang BP

EX-DPWH SEC. BONOAN, NAKA-HOSPITAL ARREST

Photo: File / Manuel Bonoan - Senate PH



Kasalukuyang nasa hospital arrest si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan matapos itong isugod dahil sa nakaranas ng alta-presyon o pagsirit ng kanyang blood pressure sa kalagitnaan ng kanyang pagsuko.


Ito ang inihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla, kasunod ng boluntaryong pagsuko ni Bonoan sa kustodiya ng pulisya.


Si Bonoan ay ipinaaresto rin ng Sandiganbayan matapos ibaba ang arrest warrant nito kaugnay ng kasong may kaugnayan sa mga anomalya sa flood control projects.


Ayon kay Remulla, habang isinasailalim sa proseso si Bonoan, ay bigla umano itong nakaranas ng pagtaas ng presyon ng dugo.


Mabilis namang dinala sa hindi pa malamang ospital ang dating opisyal na ngayo'y patuloy na inoobserbahan.


Dahil sa kanyang kondisyon, pinayagan si Bonoan na manatili sa ospital habang nasa kustodiya ng pulisya sa ilalim ng tinatawag na hospital arrest.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page