top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Sumpa ng pagkatalo, tatapusin ni Pacio sa ONE Revolution

BULGAR
Sep 20, 2021
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | September 20, 2021



Susubukang tuldukan ng nag-iisang Filipinong kampeon sa ONE Championship na si Joshua “The Passion” Pacio ang hindi magandang record ng Team Lakay pagdating sa trilogy fights.


Itataya ng 25-anyos na tubong La Trinidad, Benguet ang ONE strawweight title kontra kay Yosuke Saruta ng Japan sa ONE: Revolution sa Biyernes sa Singapore Indoor Stadium.


Ito na rin ang ikatlong beses na maghaharap ang dalawang fighters na kapwa may panalo at tutuldukan ang magkasunod na bakbakan nu'ng 2019, kung saan unang nagwagi ang 34-anyos na Japanese fighter sa bisa ng split decision sa ONE: Eternal Glory sa Jakarta, Indonesia, samantalang binawi ito ng Team Lakay champion sa bisa ng 4th round knockout dahil sa head kick upang maagaw ang titulo nu'ng Abril 12 sa ONE: Roots of Honor sa MOA Arena.


“Naka-ready akong putulin yung curse na iyon. Lagi kase nilang sinasabi na lagi kaming nadadale sa mga trilogy fights, pero this time tatapusin ko na iyon,” wika ni Pacio, matapos makaranas ng pagkatalo sa kani-kanilang trilogy fights sina Kevin “The Silencer” Belingon, Geje “Gravity” Eustaquio at Eduard “Landslide” Folayang.


Apat na beses nagtapat sina dating URCC at ONE Bantamweight titlist na si Belingon laban kay Brazilian champion Bibiano “The Flash” Fernandez. Nanalo sa unang beses si Fernandez nu'ng 2016 para sa ONE title, at sunod na inagaw na nito ang korona nu'ng 2018 at pagkatalo via disqualification nu'ng 2019.

Hindi pinalad ang 32-anyos na dating ONE Flyweight title holder na si Eustaquio kay Adriano “Mikinho” Moraes ng Brazil noong 2019. Naunang tinalo ni Moraes si Eustaquio nu'ng 2014.


Dalawang magkasunod na submissions kontra kay Shinya “Tobikan Judan” Aoki ng Japan ang nalasap ni Folayang matapos makuha ang ONE Lightweight title nu'ng 2016.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page